Abante Tonite Interactive

Ginebra, Magnolia mabigat din — Guiao

By
0 164

Para kay coach Yeng Guiao ng NLEX, hindi lang San Miguel Beer ang pinakamaangas na makakatapat ng Road Warriors sa papasok na Philippine Cup.

Isinama rin niya ang sister teams ng SMB na crowd favorites Ginebra at bagong Governors Cup champions Magnolia Pambansang Manok Hotshots.

“I’m looking at it not as a challenge to beat the San Miguel group,” ani Guiao sa kauna-unahang Media Day ng PBA sa The Tent ng Solaire sa Parañaque City kahapon.

Abante Hiring – IT dep

“When you play them naman, you don’t identify which group they belong to. You play them individually.”

Nitong offseason ay nakuha na ng Road Warriors ang kulang na big man kay Poy Erram mula Blackwater.

Hindi na mahirap kay Erram na mag-adjust sa sistema ni Guiao dahil naging coach na niya ito sa National team.

Inaasahang makakabalik na rin si Kevin Alas, bagama’t wala pa si Kiefer Ravena.

Sa Jan. 18 unang sasabak ang Road Warriors kontra Rain or Shine sa second game ng double-header sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

“Basta kami, we would just like to give ourselves a chance to win in each game,” dagdag ni Guiao.