Ginebra mainit ang mga mata sa amin — Austria

639

Simple lang ang mensahe si coach Leo Austria sa mga magtatangkang umagaw ng five-peat crown ng San Miguel Beer sa PBA Philippine Cup.

Gawin n’yo!

“Any coach in the PBA naman, talagang target ang team namin dahil naka-five-peat na kami (sa Philippine Cup),” pahayag ng eight-time champion coach at three-time recipient ng Baby Dalupan Coach of the Year award.

Tapos bawiin ng Ginebra ang Governors’ Cup crown noong Biyernes, sinabi ni coach Tim Cone na nakatanaw na sila sa all-Filipino.

‘Di lang naman Ginebra. Lahat ng team, gigil agawin ang titulo ng Beermen.

Pero lalo lang nagpaliyab sa SMB ang pagiging markado.

>

“‘Yun talaga goal ng bawat coach,” dagdag ni Austria. “What more si coach Tim? Dahil ‘yung team naman niya talaga namang contender. Any conference, contender ‘yun.”

Sa March 1 sisiklab ang season-opening tournament.

Kumpiyansa si Cone na kumpleto na ang tools ng Ginebra.

“Stanley’s (Pringle) there as an anchor for the team. Japeth (Aguilar) and Greg (Slaughter), they kinda take a step back usually when the imports come but it’s their time to step forward,” giit ni Cone.

“I think we will have exciting rookies that are coming to the team. I think we will be a more complete all-Filipino team.”

Nabasa ni Austria ang sinabi ni Cone. (Vladi Eduarte)

Tonite – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...