Abante Tonite Interactive

Ginebra-NLEX game muntik ihinto

404

Dahil sa sobrang init, muntik pang maunsyami ang debut game ni Stanley Pringle sa Ginebra sa out of town game ng 2019 PBA Commissioner’s Cup sa Batangas City Coliseum, Linggo ng gabi.

Sa unang laro pa lang ng Rain or Shine at Columbian, kapansin-pansin na maraming mga manlalaro ang hapo at nadudulas sa playing court dahil sa tindi ng pawis dala ng init.

Pagdating sa second game, parehas pa rin ang naging sitwasyon.

Abante Hiring – IT dep

Saad ni PBA Press Corps president Gerry Ramos ng Spin.ph, muntik na na aniyang matigil ang laro dahil sa kakaibang init sa loob ng coliseum.

“PBA is contemplating on the possibility of stopping the game between @barangayginebra and @ArangkadaNLEX due to the slippery playing court at the Batangas City Coliseum caused by the extreme humidity,” tweet ni Ramos.

Dagdag pa sa init ang sold-out crowd ng Batangas, literal ang mainit na pagtanggap sa basketball stars, lalo na sa crowd favorite Gin Kings.

Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, nasa 6,000 katao ang pumuno sa stadium, na mapapansing nagpapaypay ang karamihan para maibsan ang init. (Ray Mark Patriarca)