Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ginebra rookie Balanza gigil

0 110

SUSULITIN ni Jerrick Balanza ang second chance niya sa basketball, lalo ngayong napunta sa Ginebra.

Dalawang taon na ang nakakaraan, sumailalim ang guard sa operasyon para alisin ang tumor sa utak.

Nabuhayan ng loob si Balanza nang sabihin ng doktor na makakabalik pa siya sa paglalaro, kaya nagpursige itong maka-recover.

Sumunod na taon, naging instrumento pa siya sa pagkopo ng Letran ng NCAA Season 95 crown.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Noong December, tinapik ng Gin Kings ang 24-anyos na swingman bilang 13th pick overall. Magkasama na sila sa Gins ni LA Tenorio, assistant coach ng Knights.

Habang nagpapagaling pa si Tenorio mula appendectomy operation, inaasahang mas maraming minuto ang makukuha ni Balanza at kapwa-rookies niyang sina Arvin Tolentino at Kent Salado panghalili kina Stanley Pringle at Scottie Thompson.

Mabilis din na guard mula Arellano si Salado (22nd pick) at brusko na mainam na stretch four si 6-foot-5 Tolentino (10th) mula FEU.

Mabibinyagan ang tatlo kontra NLEX sa main game mamaya sa AUF gym ng 6:45 pm pagkatapos ng bakbakan ng TNT at Alaska sa 4 pm. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.