Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ginebra rumesbak sa Meralco

0 95

PRINGLE MATIKAS!

Semis Game 4 sa Miyerkoles (AUF gym):

3:45 pm – Meralco vs. Ginebra (Gins lead series 2-1)

6:45 pm – Phoenix vs. TNT (Fuel Masters lead series 2-1)

Smart Clark Giga City – Binawian ng Ginebra ang Meralco sa tono ng 91-84 decision Linggo ng gabi sa Smart 5G-powered AUF gym sa Angeles City.

Sa likod ng 24 points, 9 rebounds at 6 assists ni Stanley Pringle ay abante ang Gin Kings 2-1 sa Philippine Cup semifinals.

May 15 points si Prince Caperal, tig-12 sina LA Tenorio at Japeth Aguilar na may sahog pang 13 rebounds at 4 blocks para sa Gins.

Inumpisahan ng Gin Kings ang second quarter sa 10-0 blitz para lumayo 37-12.

Makailang beses naibaba sa single digits ng Bolts huli 90-84 pero naubusan na ng oras.

Mula long range ay 6 for 10 si Allein Maliksi tungo sa 23 points sa Meralco. Nalimitahan sa 2 of 10 shooting si Chris Newsome pero may 12 points.

Bumabalik na ang dating porma ni Matthew Wright, dinalawahang sunod ng Phoenix ang TNT huli ang 92-89 panalo kagabi rin tungo sa 2-1 lead sa hiwalay nilang series.

Umiskor ang Fil-Canadian gunner ng game-high 25 mula sa limang 3s, huli ang turnaround jumper para ilayo sa tatlo matapos ilapit ng layup ni Ray-Ray Parks ang TNT 89-90. Naging final tally na ang count nang sumablay sina RR Pogoy at Jayson Castro sa equalizer.

Puwede nang isara ng Ginebra at Fuel Masters ang best-of-five sa Miyerkoles.

Nagsumite si Calvin Abueva ng 24 points, 14 rebounds at 6 assists, dinagdagan ni Jason Perkins ng 11 markers para sa Phoenix.

Sa 11 points ni RJ Jazul at ang kontribusyon ni Wright ay nangibabaw ang Phoenix sa bench points 47-32.

Namuno ang 19 points, 13 rebounds at 6 feeds ni Parks sa Tropang Giga, may 14 markers at 7 boards si Poy Erram.

Ang mga iskor:

First Game

Phoenix Super LPG 92 – Wright 25, Abueva 24, Perkins 11, Jazul 11, Chua 8, Intal 5, Napoles 3, Rios 3, Mallari 2, Heruela 0, Gamboa 0, Marcelo 0, Garcia 0.

TNT 84 – Parks 19, Enciso 16, Rosario 14, Castro 12, Pogoy 8, Erram 6, Montalbo 6, Reyes 5, Washington 3, Carey 0, Semerad 0.

Quarters: 22-24, 49-47, 73-69, 92-89.

Second Game

Barangay Ginebra San Miguel 91 – Pringle 24, Caperal 15, Tenorio 12, J. Aguilar 12, Devance 10, Thompson 9, Mariano 5, Tolentino 4.

Meralco 84 – Maliksi 23, Almazan 16, Hodge 13, Newsome 12, Amer 9, Quinto 6, Black 3, Hugnatan 2, Faundo 0, Salva 0, Pinto 0, Jamito 0.

Quarters: 27-12, 45-34, 64-52, 91-84. (Vladi eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.