Abante Tonite Interactive

Ginebra, San Miguel nanatiling mga bigatin

940

March 8 Opening:
(Smart AranetaColiseum)
4:30 pm – Leo Awards
5:30 pm – Opening Ceremonies
7:30 pm – SMB vs Magnolia

Open season ang 45th year ng PBA dahil pilay ang San Miguel Beer at wala rin ang higante ng Ginebra.

Pero hindi nabawasan ang excitement na hatid ng papasok na calendar year na magsisimula sa March 8 sa Smart Araneta Coliseum.

Nagkaisa ang 11 go­vernors ng 12 teams na nasa pre-season press conference sa Conrad Hotel kahapon na gagawa ng adjustment ang San Miguel Beer sa pagkawala ni June Mar Fajardo (shin), posibleng buong season pa.

Hahabulin ng Beermen ang record na sixth-straight all-Filipino crown.

Ganito rin ang gagawin ng Ginebra na walang Greg Slaughter. Nagdesisyon ang 7-foot slotman na magbakasyon muna sa paglalaro matapos mag-expire ang kontrata.

Pero iisa rin ang tumbok ng mga team representatives — liyamado pa rin ang Beermen at Kings.

“San Miguel and Ginebra will make adjustments,” pa­nimula ni vice chairman Bobby Rosales ng Columbian Dyip. (VE)