Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ginebra sinenglot TNT Tenorio sumiklab

0 162

TEAM STANDINGS W L

*TNT 7 2

*Barangay Ginebra 6 3

*Phoenix 6 3

Meralco 5 3

*Alaska 6 4

Rain or Shine 4 3

San Miguel Beer 5 4

Magnolia 4 4

NLEX 4 5

Blackwater 2 6

NorthPort 1 7

Terrafirma 1 7

* – quarterfinalists

Mga laro ngayon (AUF gym):

4:00 pm – Rain or Shine vs. Magnolia

6:45 pm – TNT vs. Meralco

Smart Clark Giga City – Parehong masagwa ang shooting ng Ginebra at TNT, pero nakagawa ng paraan ang Gin Kings para takasan ang Tropang Giga 85-79 sa tampok na laro ng quadruple-header sa Smart 5G-powered AUF gym nitong Biyernes.

Solo na sa tuktok ng PBA Philippine Cup elims ang Ginebra (7-2), nilaglag sa 6-3 ang TNT.

Overall ay 33 of 73 mula sa field ang Gins, 8 for 29 sa 3s. Sa kabila ay diyeta sa 28 of 96 shooting ang TNT, 5 for 41 (12 percent) sa labas ng arc.

Si Tropang Giga big Troy Rosario ay nangamote sa 0 of 15 shooting.

Kinolekta ni Japeth Aguilar ang 600th block ng 11-year career nang butatain ang layup ni Poy Erram sa 6:25 mark ng third quarter. Pang-12 player lang ang 33-anyos na Ginebra big man na nakarating sa milestone at pangalawang active player pagkatapos ni Arwind Santos ng San Miguel Beer.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Naglista ng 28 points, 12 rebounds si Stanley Pringle sa Gins, tumapos si Aguilar ng 19 points at 11 rebounds. Nagdagdag si LA Tenorio ng mahalagang 15 points, 5 rebounds at 9 assists at nahirang na best player of the game.

Umiskor ng 19 si Jayson Castro para sa Tropa, 17 kay Poy Erram at 15 kay Ray-Ray Parks.

Naligtasan ng Alaska ang late fightback ng NorthPort 102-94 at sa 6-4 slate ay naniguro ang Aces ng puwesto sa quarterfinals.

Dinurog ng NLEX ang San Miguel Beer 124-90 at sa 4-5 ay pinaypayan ng Road Warriors ang tsansa sa next round.

Laglag sa 5-4 ang Beer na binitbit ng 23 markers ni Paul Zamar.

Ginawang tuntungan ng Terrafirma ang 110-101 win sa Blackwater para sagasaan ang unang ‘W’ sa pang-walong subok. May 27 points si CJ Perez at 20 kay rookie Roosevelt Adams sa Dyip.

Ang mgs iskor:

First Game

Terrafirma 110 – Perez 27, Adams 20, Tiongson 19, Calvo 11, Camson 11, Faundo 7, Ramos 5, Khobuntin 4, Celda 4, Cahilig 2, Agovida 0, Baligasay 0.

Blackwater 101 – Canaleta 29, Trollano 16, Sumang 15, Daquioag 12, Belo 10, Magat 8, Golla 4, Dennison 4, Tolomia 3, Dario 0, Escoto 0, Salem 0, Gabriel 0.

Quarters: 27-20, 54-45, 80-81, 110-101.

Second Game

Alaska 102 – Tratter 16, Brondial 16, Teng 14, Herndon 13, Ahanmisi 11, Manuel 11, Digregorio 6, Ebona 6, Casio 6, Galliguez 3, Ayaay 0, Publico 0, Andrada 0.

NorthPort 94 – Standhardinger 39, Lanete 11, Nabong 11, Taha 10, Elorde 9, Ferrer 8, Subido 3, Cruz 3, Manganti 0, Revilla 0, Guinto 0.

Quarters: 27-18, 45-40, 69-65, 102-94.

Third Game

NLEX 124 – Miranda 22, Alas 19, Ravena 14, Quinahan 14, Cruz 11, Semerad 10, Porter 9, Soyud 6, Ighalo 6, McAloney 5, Galanza 4, Paniamogan 2, Taulava 2, Varilla 0, Ayonayon 0.

San Miguel 90 – Zamar 23, Pessumal 11, Tautuaa 10, Cabagnot 9, Ross 9, Comboy 8, Santos 8, Alolino 7, Mamaril 4, Gamalinda 1, De Guzman 0, Escoto 0.

Quarters: 36-25, 67-47, 91-65, 124-90.

Fourth Game

Barangay Ginebra 85 – Pringle 28, J. Aguilar 19, Tenorio 15, Dillinger 7, Tolentino 6, Thompson 4, Caperal 2, Chan 2, Mariano 2, Balanza 0.

TNT Tropang Giga 79 – Castro 19, Erram 17, Parks 15, Pogoy 12, Washington 9, Enciso 3, De Leon 2, Rosario 2, Reyes 0, Semerad 0, Montalbo 0.

Quarters: 20-11, 36-32, 64-57, 85-79. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.