Abante Tonite Interactive

Ginebra sisipain sa unahan ang Magnolia

MANILA CLASICO!

500

Mga laro ngayon: (Smart Araneta Coliseum)
4:30 pm – Alaska vs. NorthPort 6:45 pm – Ginebra vs. Magnolia

Piyesta na naman ang PBA fans sa muling siklab ng Manila Clasico sa Smart Araneta Coliseum mamaya.

Sa first game ay patitibayin ng 7-3 Alaska ang kapit sa top 4 laban sa out nang 2-8 NorthPort.

Tanging top 8 lang ang bibiyahe sa quarterfinals ng PBA Governors Cup pagkatapos ng 11-game eliminations, twice-to-beat ang first 4 teams.

Nasilat ang Aces sa NLEX (5-5) 116-110 sa Ynares Center noong Biyernes, parehong araw na sinelyuhan ng Pambansang Manok Hotshots ang bonus matapos ibaon ang TNT KaTropa 116-103.

Angat sa 8-3 ang Magnolia, susubukan silang baklasin sa top spot ng 7-2 Gin Kings.

Kinubra ng Ginebra 104-84 ang huling edisyon ng Manila Clasico sa Commissioner’s Cup noong June 17 sa Big Dome din.
Dalawang linggong tengga ang Gins, Oct. 13 pa huling lumaro nang masilat sa Rain or Shine 104-97 sa Lucena, Quezon.
Nagbanat ng buto ang Hotshots kontra Texters kamakalawa sa pangunguna ni Ian Sangalang na tumapos ng game-high 28 points mula sa 13 of 19 shooting off the bench.

Nag-deliver din ng double-digits sina Mark Barroca (21) at Paul Lee (18) na combined 7 for 14 shooting sa labas ng arc. Tumapos si Romeo Travis ng 18 points, 15 rebounds at 7 assists, may 8 feeds si Lee.

Sigurado na sa bonus pero hindi mag­lulubay ang Hotshots, lalo’t nakataya pa ang bragging rights sa matagal na nilang karibalan ng Ginebra.

“We want to win as many games as we can and build a momentum we can ride on in the playoffs,” giit ni Magnolia coach Chito Victolero.