Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ginebra una, uupo sa ika-2-8 bomalabs pa

0 165

Smart Clark Giga City – Ginebra pa lang ang nakakasiguro ng puwesto – No. 1 – sa standings ng PBA Philippine Cup papasok ng quarterfinals sa Smart 5G-powered AUF gym.

Ang mga nasa ilalim, pati ang tatlo pang slots sa top four na may twice-to-beat bonus sa next round, ay malabo pa.

Ayon kay PBA chief statistician Fidel Mangonon III, may 64 na scenarios pang puwedeng mangyari bago ang double-header ng Rain or Shine-TT at SMB-NorthPort kahapon.

Out na ang Blackwater, NorthPort at Terrafirma, sumunod ang NLEX nang talunin ng Elasto Painters ang Tropang Giga, o kung masilat ang Road Warriors sa Dyip sa pagtatapos ng elims ngayon.

Nagbuhol sa 7-4 ang Bolts, Fuel Masters, Hotshots, Beermen, Aces at TNT nang kapusin ang Tropa sa RoS. Sa ganitong senaryo ay posibleng bumaba sa eighth ang Painters.

“So that’s how close the standings were, and that’s how tight the race is,” puna ni Alaska coach Jeffrey Cariaso.

Pagkatapos ng 70-62 win ng kanyang Magnolia sa Rain or Shine noong Sabado, sinabi ni coach Chito Victolero na sa mga laro na lang sila magpo-focus, hindi sa mga bagay na wala silang kontrol tulad ng quotient o sa resulta ng ibang matches. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.