Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ginebra vs TNT sa finals: Thompson bumida

0 112

Finals Game 1 sa Linggo (AUF gym)

6:00 pm – TNT vs. Ginebra

Smart Clark Giga City – Barangay Ginebra at TNT Tropang Giga ang magsasagupa sa Finals ng PBA Philippine Cup sa Pampanga bubble.

Ibinalik ni Scottie Thompson ang Gin Kings sa Finals nang pakawalan ang game-winning 3 na tumapos sa kampanya ng Meralco 83-80 Biyernes ng gabi sa Smart 5G-powered AUF gym.

Mula sa huling timeout ni coach Tim Cone 14 seconds na lang sa laro at tabla sa 80-80, binigay ni Stanley Pringle ang bola kay Prince Caperal.

Pabitaw na si Caperal pero sa huling sandali ay pinitik ang bola kay Thompson na nasa sulok. Pinakawalan ni Thompson ang pamatay na tres na kumumpleto sa kanyang 20-point, 17-rebound, 7-assist effort.

Namuno ang 22 points ni Pringle sa Gins, taong 2007 pa huling nagkampeon sa all-Filipino. Umayuda si LA Tenorio ng 14 points, may 12 si Japeth Aguilar. Kumalawit ng tig-8 rebounds sina Aguilar, Pringle at Aljon Mariano.

Umabante ang Meralco 71-65 pero kinubra ng Ginebra ang 11 sa sumunod na 13 puntos.

Mula rin sa timeout, nakawala si Reynel Hugnatan at naiwang mag-isa sa tuktok para ibuhol ang panablang tres 80-80, 14 seconds na lang.

Pinangunahan naman 25 points ni Ray-Ray Parks ang atake ng Tropang Giga para dominahin ang Phoenix 91-81.

Ikinalat ni Parks ang 16 point niya sa fourth para salagin ang fightback ng Fuel Masters. May palamuti pang 10 rebounds at 6 assists ang anak ni dating seven-time Best Import Bobby Parks.

Related Posts

Hindi kinayang ibalik ng 23 points ni Calvin Abueva, 12 dito sa fourth, ang Fuel Masters na nadalawahang sunod sa best-of-five.

Taong 2013 pa huling itinaas ng Tropang Giga ang tropeo ng all-Pinoy.

Apat pang players ni coach Bong Ravena ang umiskor ng double-digits – 12 si Simon Enciso at tig-11 sina Jay Washington, RR Pogoy at Jayson Castro (Vladi Eduarte)

Ang mga iskor:

First Game

TNT Tropang Giga 91 – Parks 26, Enciso 12, Pogoy 11, Castro 11, Washington 11, Erram 9, Carey 4, Rosario 4, Montalbo 3, Reyes 0.

Phoenix Sper LPG 81 – Abueva 23, Wright 13, Perkins 11, Chua 9, Jazul 8, Heruela 7, Rios 6, Mallari 4, Garcia 0.

Quarters: 25-20, 40-34, 62-53, 91-81.

Second Game

Barangay Ginebra San Miguel 83 – Pringle 22, Thompson 20, Tenorio 14, Aguilar 12, Caperal 5, Mariano 5, Dillinger 3, Devance 2, Tolentino 0, Chan 0.

Meralco 80 – Newsome 14, Quinto 14, Hodge 14, Hugnatan 12, Maliksi 12, Jackson 4, Almazan 4, Amer 3, Black 2, Jamito o, Pinto 0.

Quarters: 17-14, 33-31, 55-59, 83-80. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.