Abante Tonite Interactive

Ginitran, CEU swak sa semis SULONG!

121

Naghuramentado si Rich Ginitaran ng 16 points at 14 rebounds upang pangunahan ang pagkatay ng Centro Escolar University sa Asia’s Lashes Tomas Morato, 89-48, para bumiyahe sa 9th Philippine Basketball Association Developmental League Foundation Cup 2019 semifinals Huwebes nang hapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Umayuda pa sa winning team si Dave Bernave ng 15 markers at at boards, at si Senegalese big man Malick Diouf ng 12 pts., 13, rebs., 4 assists at tig-dalawang blocks at steals para sa abangan na lang ang makakatapat sa last four sa papalarin sa BRT Sumisip Basilan-St. Clare.

“I just told the players to take care of things, do not take them lightly. We have to jump on them right away and not make them think of a Game Two,” wika ni Scorpions coach Frederick Pumaren.

Nag-iisang mandirigma lang ng ALTM si Jhygrus Laude na pumalag sa karibal patunay ng tapos na 11 pts. sa quarterfinals game.

Anim na magdaragat naman ng Marinero Pilipino ang mga nagsalpak ng 10 points above sa pagtrangko ng may 19 pts. na si Elius Poligrates para lunurin ang AMA Online Education, 100-78, upang pumalaot na rin ang Skippers sa semis kasabay sa pagbabakasyon sa karibal.

Ang mga Iskor:

Unang laro

MARINERONG PILIPINO 100 — Poligrates 19, Yee 13, Alabanza 12, Clarito 11, Villarias 11, Diputado 10, Reverente 8, McAloney 6, Santillan 4, Rios 4, Mangahas 2, Sara 0, Ilagan 0.

AMA 78 — Black 22, Parcero 15, Tolentino 13, Paras 12, Fuentes 5, Alina 5, De Leon 4, Asuncion 2, Estibar 0, Catorce 0, Limpin 0, Austria 0.

Quarters: 24-14, 52-34, 75-49, 100-78.

Pangalawang laro

CEU 89 — Guinitaran 16, Bernabe 15, Diouf 12, Diaz 10, Santos 7, Tuadles 7, Tagal 7, De Ocampo 5, Sunga 5, Espiritu 3, Murillo 2, Escalona 0.

ASIA’S LASHES 48 — Laude 11, Alban 6, Tadeo 6, Castro 5, Dela Cruz 5, Sabellina 5, Celada 3, Sarao 3, Reyes 2, Delfinado 2.

Quarters: 43-16, 57-23, 63-30, 89-48. (Aivan Denzel Episcope)

13 PBADL caption:

Naka-pull-up jumper si Rich Ginitaran ng Centro Escolar University laban kay Levi dela Cruz ng Asia’s Lashes Tomas Morato sa 9th PBA D-League Foundation Cup 2019 quarterfinals game Huwebes sa Ynares Sports Arena sa Pasig City. (PBA Media Group)

13 NCAA