Abante Tonite Interactive

GINS HUMARABAS SA LUCENA

108

Mga laro ngayon: (Smart Araneta Coliseu­m)
4:30 p.m. — Phoenix vs. GlobalPort
6:45 p.m. — San Miguel Beer vs. Star

Maangas na umpisa, mas maangas na natapos ang nadiskarte ng Ginebra para makapagmumog ng 107-93 victory kontra Meralco at manatiling unbeaten sa six road games sa Petron Blaze Special ng Oppo PBA Governors’ Cup kagabi sa Quezon Convention Center sa Lucena City.

Sa tulungan nina Justin Brownlee, Sol Mercado, Japeth Aguilar at Mark Caguioa, last two mi­nutes ng opening quarter ay dumistansya ang Gin Kings ng 30-14.

Pero pinadaga pa rin ng Meralco ang dibdib ng crowd favorites sa naipuwersang 53-all-deadlock sa third period. At nasa giyera pa ang Bolts ma­ging sa last 4 minutes ng payoff frame sa pagkaiwan lang ng tatlo.

Doon na muling nag-klik ang shooting ng Ginebra sa nakakangilong 12-1 blitz, tampok ang anim na kinana ni Mercado. Nilista ng Gins ang back-to-back wins. Natikman ng Meralco ang se­cond straight loss tapos ng 2-0 start.

“We played a tough game under tough conditions and I thought Jayjay (Helterbrand) and Mark came out with a lot of energy in the third and kinda changed the tempo for us and gave us a big lift. That was a key moment of the game,” suma ni Ginebra coach Tim Cone.

Nakakuyumos si Mercado ng 19 sa likod ng 26 ni Brownlee, may 15 si Aguilar at 13 pa si Caguio­a off-the-bench pagsolo ng kampo sa third.

Si Meralco import Allen Durham ay nagsuot ng protective mask para maprotektahan ang ilong na nasiko ni Sonny Thoss ng Alaska sa laro nila noong Linggo. Tumapos si Durham ng 17 points.