Abante Tonite Interactive

Gins jackpot kina Tolentino, Balanza

643

‘Di pinakawalan ng Ginebra si Arvin Tolentino ng FEU sa first round ng PBA Draft sa Robinsons Place-Manila ­Linggo nang hapon.

Naghanap ng bruiser ang crowd darlings, nakita nila ‘yun sa 6-foot-5 big man ng Tamaraws.

Sa No. 10 ng first round kinuha ng Gins si Tolentino.

Unang pumili sa second round ang Ginebra, tinawag bilang 13th pick overall si Jerrick Balanza ng Letran.

Ang dating Knight, King na ngayon.

Si Balanza ang player ng Letran na sumailalim noon sa brain ­surgery, nakabalik at nagkampeon pa sa ­nakaraang NCAA tournament.

Dalawa ang selection ng Gins sa round 2, kinuha sa No. 10 (22nd overall) si Kent Salado ng Arellano.

May dalawang asterisks sa tabi ng pangalan ni Salado sa listahan ng draft applicants – ibig sabihin ay may ­contract pa sila sa kabilang ligang MPBL.

Pagkatapos na ng kasalukuyang season ng MPBL makakatawid sa PBA ang mga nahugot sa draft.

Sa third round, tinawag ng Gins si Fran Asuncion ng AMA bago nag-pass na sa fourth.

Naniniwala ang marami na ­tiba-tiba ang Gins sa mga nalambat sa draft ­dahil sa may ibubuga ang mga player na napatunayan na nila sa kolehiyo. (VE)