Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ginto sa Hanoi: Obiena nilundag bagong SEAG record

0 47

Pinigil ng pagpatak ng ambon ang inaasam sanang matinding pagpapakita ni Ernest John “EJ” Obiena na nagdulot na lamang sa bahagya nitong pagbura sa sariling record sa pagtatapos ng men’s pole vault event sa 31st Southeast Asian Games sa My Dinh National Stadium sa Hanoi, Vietnam.

Kinailangan lamang ng 25-anyos na si Obiena na magsagawa ng isang pagtalon upang agad na masiguro ang ginto sa paglampas nito sa taas na 5.40 metro sa gitna ng mabilis na patak ng ulan bago pinagtuunan ng pansin ang pagbasag sa SEA Games record.

Agad din nagawang burahin ni Obiena sa gitna ng ambon ang dating record na taas na 5.46 metro sa idinagdag nito na .01 metro na itinala nito noong 2019.

Pinilit pa ni Obiena na ma-break ang kanyang personal best at Asian record subalit nabigo abutin ang 5.94 metro.

Sinabi ni Obiena na mahirapan siyang maabot ang record dahil sa ambon na nagdulot ng pagkabasa sa runway at madulas na pasilidad.

Nagawa naman ng Pilipinas na maiuwi ang ginto at pilak matapos na pumangalawa kay Obiena ang ipinagmamalaki ng Ilagan, Isabela na si Hokett Delos Santos.

“Relieved, to be honest. And happy,” sabi lamang ni Obiena. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.