Abante Tonite Interactive

Ginto ulit kay Obiena

321

Patuloy na pinapatibay ni Ernest John Obie­na ang kanyang tsansa na makatuntong sa 2020 Tokyo Olympics matapos nitong idagdag sa kanyang napanalunan kamakailan na World Universiade ang gintong medalya sa sinalihan na isang regular event sa European Athletics na Citta Di Padova Athletics Meet sa Naples, Italy.

Nalampasan ni Obie­na ang mas mababa sa personal best nito na sukat na 5.55 metro bagaman kasya na ito upang talunin ang kanyang mga nakalaban tungo sa kanyang ikalawang sunod na gintong medalya.

Una nang itinala ni Obiena ang personal best at bagong national record na 5.76 meters sa paglahok nito sa World Universiade sa Milan, Italy.

“It was good. Just the conditions were not ideal for jumping. Everyone struggled to make a jump,” sabi ni Obiena.

Ipagpapatuloy ni Obiena ang kanyang paghahanda sa pagsabak sa iba pang torneo sa Europe kasama ang dalawa pa din sa Germany na una ang Mossingen Open Hulyo 20 at ang Leverkusen sa Hulyo 24. Ang dalawang torneo ay parte ng kanyang paghahanda sa u­nang pagsabak sa World Championships at sa IAAF Diamond League Finals. (Lito Oredo)