Abante Tonite Interactive

Gintong award nasungkit ng chocolate-maker ng Bohol

350

Isang gumagawa ng tsokolate sa Bohol ang nakakuha ng gintong award mula sa London.

Ang Dalareich 100% Unsweetened Chocolate ay nanalo ng Gold Award sa isang prestihiyosong international competesyon na nakabase sa London Aca-demy of Chocolate Awards 2019.

Ang chocolate-maker ay pag-aari ng isang batang negosyante na si Dalareich Polot, 30 na kinilala bilang “Cho-colate Princess” sa Bohol, na itinatag ang una at tanging pabrika ng tsokolate sa lalawigan.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakuha ang Pilipinas ng Gold Award dahil nagsimula ang international cho-colate award noong 2015.

Sinabi ni Polot, hindi nila ito inaa-sahan dahil nakikipagkumpitensya lamang sila sa mga tsokolate mula sa buong mundo.

Ito ang unang pagkakataon na magpadala ng entry ang Dalareich sa international chocolate award na nakabase sa London.

Ibinahagi ni Dalareich ang panalo sa kanyang mga magulang sa pamamagitan ng isang mensaheng ipinost sa kanyang Facebook page.

“Happy Independence day to all Filipinos! Thank you so much for all your warm congratulations and support to us! In all my interviews, i credit the award to my parents…that 100% Unsweetened Chocolate (tableya) is not just a product for us , but a gift..that ‘simple’ tableya –able to sustain our family and sent all of us to college.”

Maliban sa Dalareich ay may iba pang mga kompanya sa Pilipinas tulad ng Malagos Chocolate, Theo at Philo na sinuwerte at nakakuha ng silver at bronze mula sa iba’t ibang kategorya.

Ang Academy of Chocolate ay itinatag noong 2005 sa pamamagitan ng limang mga nangungunang eksperto sa tsokolate ng Britain, nagkakaisa sa paniniwala na ang pagkain ng pinong tsokolate ay isa sa malaking k­asiyahan sa buhay.

Ang Bohol ay sikat sa kanyang Chocolate Hills sa internasyunal. Layunin nila na magdagdag ng isa pang titulo-ang ‘Home of Chocolates.’ (Mina Aquino)