Abante Tonite Interactive

Girian ng US at China sa West Philippine Sea tumitindi

0 759

Washington DC – Nirorondahan ngayon ng mga barkong pandigma ng U.S. ang mga isla na inukupa ng Peoples Republic of China sa South China at West Philippine Sea.

Naglalayag ngayon malapit sa west Philippine sea ang USS Theodore Roosevelt strike group kasama ang 7th Fleet command ship at USS Blue Ridge para magsagawa ng freedom-of-navigation operation.

Mahigit sa dalawampung barkong pang digma ng Estados Unidos ang rumuronda sa mga isla na inukupa ng China sa Asian sea simula pa noong Marso.

Iniulat ng Pentagon na may 9 na insidente ng `unsafe encounter’ ang ini-report ng kanilang tropa sa South China Sea

Ayon kay Deputy assistant secretary of defense for Southeast Asia Reed Werner, hinaras ng Chinese fighter Jets ang isang US aircraft na lumilipad malapit sa isang isla na inukupa ng China.

Tinangka din daw salpukin ng Chinese aircraft-carrier ang US Navy guided-mIssile destroyer na USS Mustin na nagsasagawa ng freedom-of-navigation malapit sa Philippine sea.

Sinabi ni Pentagon Spokesman for Asia Lt. Col. Dave Eastburn na nakakabahala na ang tumataas na opportunistic activity ng China para is i-bully ang mga bansang tunay na nag-ma-mayari ng mga isla na kinamkam nito.

Kasama sa nirorondahan ng US Naval ships na bahagi ng freedom-of-navigation ang Spratly island at Taiwan Strait, Malaysia, Vietnam at Indonesia.

Nagpapatrol din sa rehiyon ang dalawang U.S Air Force Bomber

Natakda na rin rumonda sa South China Sea ang 7 U.S attack Submarine para bantayan ang mahit sa 20 barkong pandigma ng Estados Unidos na ngayon ay sa South China sea. (Dave Llavanes Jr)

Tonite – Wendys Inhouse Ad