Abante Tonite Interactive

Girls Generation buwag na, Oh!GG pasok

237

tonite-annyeong-rose-garcia
Nagbabalik na ang South Korean Girl Group na “Girls Generation” o “SNSD” pero this time, bilang quintet o five member group na lamang mula sa huling eight member.

Marami ang nagulat sa big­lang paglabas ng announcement na ilulunsad na ang sub-unit ng SNSD na “Oh!GG”. This time, ang kasama na lang ay ang limang original members na nananatiling contract artists ng SM Entertainment.

Ang center ng grupo na si Yoona at sina Taeyeon, Sunny, Hyoyeon at Yuri. Obviously, wala na ang tatlong hindi na nag-renew ng kontrata sa SM Entertainment na sina Tiffany, Soo­young at Seohyun.

Kamakailan lang ay nag-celebrate ng kanilang ika-10th debut anniversary ang grupo at lahat sila ay nag-post ng mga thank you messages nila sa mga fan. Ini-assure rin ng tatlong hindi na pumirma ng kontrata na in-contact pa rin silang Girls Generation—sa kabila ng halos lahat sila may mga individual/solo career na.

Nag-express pa si Tiffany at nagsabing sa comeback ng Girls Generation ay buo pa rin silang walo. Pero sa biglaang paglabas ng Oh!GG, mukhang taliwas sa mga naging pahayag o expectation nila ang nangyayari.

Girls Generation is back as a unit.

Mapapakinggan na sa September 5, 6pm KST ang una nilang single as Oh!GG na “Lil’ Touch” via online sites. The single includes the title track Lil’Touch and also a song called “Fermata.”
Ini-release rin ito bilang Kinho album na nagsimula na ang pre-order noong August 28.

Bukod dito, kasabay ang announcement ng reali­ty show ng grupo na “Girls for Rest”. Isa itong reality show na kinunan sa South of France. Ipalalabas ito every Monday, Wednesday and Friday sa Naver TV at V Live tuwing 11 am KST simula sa September 3.

Mapapanood din tuwing Sabado sa JTBC2 tuwing 11 pm KST simula sa September 8.

Kasabay ng lahat ng ito, isa na namang miles­tone ang na-achieve ng Girls Generation dahil sa kanilang music video na “The Boys” na nag-exceed na ng 200 million views sa YouTube kahit na ni-release pa ito noong October 19, 2011.