Abante Tonite Interactive

Girls Generation buwag na

By
330

Malakas ang kumpi­yansa ni Tiffany, isa sa miyembro ng Girls Gene­ration o SNSD, na muli raw silang babalik with a comeback album and as a full group.

Kung matatandaan, last year ay nabalita na tatlo sa mga miyembro ng SNSD ang hindi na pumirma sa SM Entertainment.

Pero as a group, sa mga interview ng bawat miyembro, mararamdaman na solid pa rin talaga ang samahan at malasakit nila sa isa’t isa.

Kahit halos lahat sa miyembro ay abala sa mga individual o solo career nila.

Isa si Tiffany sa tatlong miyembro na hindi na nag-renew sa SM Entertainment, gayundin sina Sooyoung at Seohyun. Si Tiffany ay nag-release ng digital single noong March na may title na “Remember Me” sa stage name na Tiffany Young. Pero nitong June, na-announce na magde-debut siya sa United States under Paradigm Talent Agency. Nagkaroon din siya ng bagong single na pinamagatang “Over My Skin”.

Although sa US naka-base ngayon dahil sa recent debut niya rito, nandoon pa rin ang desire niya na magpatuloy ang career sa Korea. Sabi ni Tiffany sa kanyang phone interview sa Star News Magazine, “I really want to do more domestic activities. If I ever have the chance to greet our Korean fans, I’ll do whatever I can to be there.”

At nang tanungin nga kung may posibilidad pa rin na mag-comeback ang miyembro ng Girls Gene­ration as full group, posi­tibo ang naging sagot ni Tiffany.

Aniya, “All of the members are making time to meet each other and staying in contact. Before, we would be doing both group and solo activities at the same time, but I think now is a time for us to each focus on our solo activities. We’re all trying something new, and I think it’s important for us to have time to showcase that. When the time comes for us to gather again, we’ll definitely do that. We’re just spending some time apart temporarily.

“We don’t have an ­exact date set for a full group comeback for Girls’ Generation. But right now, we’re all focusing on solo activities, and we’re learning so much and getting inspired by what we’re doing.

“When we get back together again, I believe we’ll be able to take what we’ve learned and be more confident and direct about the messages we want to convey.”

Girls Generation is Girls Generation kaya siguradong marami na sa mga tagahanga nila ang nasasabik sa muling pagsasama ng South Korean girl group.