Abante Tonite Interactive

Giselle laging mabango ang pechay

261

Kung paasiman lang naman ang pag-uusapan, sinalo na yatang lahat ng comedienne na si Giselle Sanchez.

Hot pa rin siya sa mga bikini photo niya sa Instagram. Kuha ito sa mga escapades niya sa iba’t ibang resort island na pinupuntahan.

Maalaga siya sa kanyang katawan. Sa isang IG post niya ay may caption siya, “Nag-Panglao para magbanlaw! Wala kasi tubig sa Manila. Mahirap ang mabahong k_p_y !”

Maliwanag pa sa sikat ng araw ang pruweba ng kaseksihan nito na parang ngayon pa lang nagdadalaga.

Walang bakas sa katawan ng komedyana ang edad niyang 44. Walang senyales na nalaspag ito sa pagiging nanay at asawa ng isang musician turned businessman.

Papasa pa bilang nasa late 20’s ang pigura nito. Kaya pa niyang walisin ang ilang nagmamaganda sa socmed.

Nakaka-wow ang pigura ni Giselle na papasa bilang certified hot momma.

Dating may kurba na ang katawan ni Giselle noong kadalagahan niya. At ilang beses na rin naman siyang nag-bathing suit sa mga pelikulang sinamahan niya, partikular na sa comedy film.

Pero iba ang physique niya ngayon. Makikita ang abs at toned muscled nito sa ilang bahagi ng kanyang katawan. Kumbaga, sexy, fresh at young looking. (Rey Pumaloy)