Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Giselle lalaban sa international pageant

0 326

Si Giselle Sanchez ang pambato ng Pilipinas sa Noble Queen of the Universe pageant.

Inanunsiyo ito ng aktres-komedyante sa Instagram, Nobyembre 29.

“It is my honor to announce that I was chosen out of hundreds of advoacy-driven Family women to represent Noble Queen Visayas,” sey ni Sanchez na Visayas delegate sa nasabing timpalak.

“I was hesitant to accept this position at first but when I saw the advocacies of @noblequeenuniverse and how they SINCERELY helped a lot of people especially during this pandemic and typhoon disasters, I agreed to join this pageant mainly to raise funds to be able to help my fellow Filipinos.”

“Akong mga kababayang Bisaya, mangayo kog suporta sa inyuha. Thank you! See you all via zoom on Dec 13, 2020,” aniya pa.

Bukod dito, pinasalamatan din ni Giselle si Noble Queen of the Universe 2019 Patricia Javier na nanghikayat sa kanya na sumali sa pageant.

Sa Disyembre 20 magaganap ang online coronation ng second edition ng Noble Queen of the Universe, kung saan 15 babae worldwide ang maglalaban-laban para sa korona. (SDC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.