Abante Tonite Interactive

Gising kabataan

401

Dear Abante Tonite,
Bilang isang kabataan naniniwala ako sa linyang madalas kong naririnig sa mga nakakasalamuha kong matatanda, “Ano mang gawin ng matatanda ay tama sa mata ng bata” Nagiging malaking basehan ng mga bata ang kilos, karanasan at pinag daan ng mga taong nakatatanda sa kanila.

Ngunit ito rin ang mag papatunay kung bakit sa panahong ito ay tumitindig ang maraming kabataan upang iparinig ang kanilang tinig dahil sapat na ang kanilang nakitang baluktot na sistema ng matatanda.

Bumangon na ang mga kabataan at mulat sila sa sistema ng bayan, naghahari ang mga nakaupong may yaman samantalang nahaharangan ng mataas ng pader ang kanilang mga mata sa katotohanang higit pa sa mabubulaklak na salita ang kailangan ng bansa sa pag unlad. Kailangan namin ng mapanghahawakan hindi lamang pangakong maaring mapako kundi kongkretong plano na kayang maabot at lulunas sa lumot ng sistemang nagdudulot ng pagkalugmok ng bayan.

Handa kaming mga kabataan sa hamon ng pagbabago, inihanda kami ng nasaksihan naming dumi ng kalakaran ng mundo at ayaw na namin nito. Sapat na ang dinanas na hirap ng aming mga ninuno. Panahon na upang tinig naman namin ang pakinggan. Hindi pansariling motibo kundi kabutihan para sa bayan.

Handa kaming patunayan na kami parin ang winika ni Gat Jose Rizal na ‘Pag-asa ng Bayan’. Gising kami at walang planong tulugan ang katotohanang hangga’t ganito ang sistema sa lipunan pag-unlad ng bayan ay di natin makakamtan.
Pots ng Santa Maria, Bulacan