Abante Tonite Interactive

Giyera ng AFP, MILF tapos na — Galvez

By
332

Dineklara ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Gen. Carlito Galvez Jr. na tapos na ang digmaan sa pagitan ng militar at Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Sinabi ito ni Galvez sa kanyang pagbisita sa Camp Darapanan ng MILF sa Sultan Kudarat, Maguinda­nao noong Sabado.

Ito ang kauna-unahang pagbisita ng pinakamataas na opisyal ng AFP sa naturang kampo mula nang itatag ang MILF noong 1970s.

“Today I can now declare that the war between the Armed Forces and the MILF is finally over. To my commanders, let us embrace our brothers and sisters and give them respect and lasting peace that the Moro people deserve,” pahayag ni Galvez.

Ito rin ang unang pagkakataon na luminya ng halos limang kilometro sa magkabilang kalsada ang may 6,000 miyembro ng MILF sa kahabaan ng Quirino Highway bilang pagsalubong kay Galvez.

Kaugnay nito, inimbitahan din ni Galvez si MILF chairman Murad Ebrahim na bumisita sa AFP general headquarters sa Camp Aguinaldo.