Abante Tonite Interactive

Giyera ng ‘Victor Magtanggol’, ‘Fpj’s Ang Probinsyano’ sumiklab na!

By
3,523

Emotional ang muling pagkikita nina Coco Martin a.k.a. Cardo at Susan Roces a.k.a. Lola Flora sa episode ng FPJ’s Ang Probinsyano kagabi.

Hindi makapaniwala si Lola Flora na makikita pa niyang muli ang mahal na apo. May takot sa mukha, pero tuwang-tuwa siya nang unang makita si Yassi Pressman a.k.a. Alyana dahil pinaghahanap din ang huli ng galit na galit na si Jc Santos a.k.a. Marco.

Pansamantalang nagpaalam sina Cardo at Alyana kay Flora na sa probinsiya na muna maninirahan. May tensyon sa parte ni Lola Flora. Nag-aala-ala siya na baka may makakita kay Cardo.

Kahit saang sulok kasi ay ang daming kalaban si Cardo at gusto siyang mapatay lalong-lalo na si Marco na matindi ang pagnanais na mapatay si Coco dahil inagaw daw sa kanya ang babaing pinakamamahal si Alyana.

Nakaamba na ang panganib sa mag-asawa (Cardo at Alyana) dahil papalapit na ang grupo ni JC sa lugar nina Lola Flora.

Ang siste, nagtapos ang episode na nabitin ang mga manonood. Hindi napakitang naabutan nina JC sina Coco.
VICTOR MAGTANGGOL

Samantala, kagabi nag-pilot episode ang teleserye ni Alden Richards sa GMA-7, ang Victor Magtanggol.

Kagabi ay nasaksihan na nga ang pinakaaabangang pagsisimula ng Victor Magtanggol sa GMA-7 na pinagbibidahan ni Alden Richards.

Ang Victor Magtanggol ay mukhang hango sa isa sa mga gumaganap sa pelikulang The Avengers bilang si Thor. May kaugnayan kasi sa hammer ang pagiging superhero ni Alden.

Solid agad ang pilot episode mula sa direksyon Dominic Zapata at sa simula pa lang ng kuwento ay maeengganyo ka nang panoorin.

Na-establish agad na si Victor ay isang taong matulungin at laging ipinagtatanggol ang mga naaapi.

Ipinakilala na agad ang kanyang masaya at nagmamahalang pamilya na sina Al Tantay bilang ama ni Victor na si Tomas, ang mga kapatid na si Lyneete (Chynna Ortaleza) at asawa nitong si Perci (Dion Ignacio) at Anne (Lindsay de Vera) at pamangking si Meloy (Yuan Francisco).

Ipinakita na rin sa pilot ang ilang eksena sa Japan dahil nagtrabaho si Victor doon and at the same time ay hanapin ang kanyang inang si Vivienne na ginagampanan ni Coney Reyes.

Sa Canada ay nakilala niya at naging amo ang curator na si Magnus played by Miguel Faustman.

Ilan sa mga highlight ng episode ay ang pag-ilaw ng Mjolnir na nasa pag-iingat ni Magnus nang hawakan ito ni Victor, ang pagtatagpo nila ni Gwen na ginagampanan naman ni Janine Gutierrrez at ang pasilip sa mga mythological character partikular na si Loki na ginagampanan ni John Estrada.

Sa pilot pa lang ay number one trending na agad sa Twitter ang VM sa hashtag na #VictorMagtanggolAngSimula at pinuri-puri ng mga netizens ang episode.

Pagkatapos na pagkatapos ng pilot ay inulan agad ng pagbati si Alden sa social media ng mga netizen for a great pilot episode.