Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Giyera nina Bonifacio, Malvar sa movie ni Pacquiao

0 112

Nagsama-sama ang mga angkan ng mga bayani upang ipagdiwang ang kaarawan ni Andres Bonifacio kamakailan, sa pangunguna ni Atty. Jose Malvar Villegas, Jr., co-founder ng Kaanak ng mga Bayaning Himagsikan Filipino 1896, sa Aberdeen Court Quezon City.

Dinaluhan ito ng mahigit na 50 NGO’s na kasapi ng Katipunan Kontra Krimen at Korapsyon (KKK) na itinatag ni Malvar Villegas bilang KKK Chairman-President at sa tangkilik ng World Philosophical Forum Philippines (WPFP) sa pamumuno ni Dr. Shariff Albani.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay Villegas, isa sa mga apo ni Heneral Miguel Malvar na namuno ng puwersang Filipino laban sa mga Amerikano noong digmaang Filipino-Amerikano, ang karamihan umano sa nagsusulat ng kasaysayan ng bansa ay itinuturing na si Bonifacio ang unang pangulo ng Republika ng Pilipinas noong itinatag nito pagkatapos inilunsad ang 1896 Philippine Revolution ang Republikang Katagalugan at si Gen Malvar naman ang itinuturing na pangalawang pangulo ng Republika, pagkatapos na siya ang humalili kay Hen. Emilio Aguinaldo, nang madakip ito ng puwersang Amerikano. Ipinagpatuloy ni Hen. Malvar ang pakikipaglaban sa mga Amerikano hanggang siya ay sumuko noong 1902.

Ayon kay Villegas, noong 1899-1902 digmaang Filipino-Amerikano, mahigit isang milyong Pilipino ang napatay ng puwersang Amerikano .Itinuturing ito na isa sa madilim na kabanata ng ating bansa katulad sa sinasapit natin ngayon sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Francisco L. Wong at Dr. Louis Ramon V. Rodriguez na itinalaga ni Villegas bilang Presidente at Bise Presidente ng KKK-Joint Medical Ventures JMV-KAMI (Kalusugan at Makabayanihan), na anti-COVID Program ng KKK, ang movie documentary ng JMV Film Production tungkol sa buhay ni Gen. Malvar na gagampanan ni Sen. Manny Pacquiao ay isang kasaysayan ng patuloy na laban ng mga angkan ng bayani hanggang sa kasalukuyan. Kanilang ipinamamalas ang kabayanihan ng kanilang mga ninuno lalo na bilang mga frontliners sa pakikibaka laban sa COVID-19 pandemic.

Leave A Reply

Your email address will not be published.