Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Giyera sa droga sablay, marami pa rin adik – Ping

0 125

Nalulungkot si Senador Panfilo `Ping’ Lacson na hindi umano nagtagumpay ang giyera kontra iligal na droga ng gobyerno.

“Sad to say, the government’s anti-drug efforts have not succeeded. Otherwise, we would have made a big dent in the operations of drug syndicates,” pahayag ni Lacson nitong Linggo.

Patunay aniya rito ang patuloy na kalakaran ng shabu at marami pa ring mga drug addict ang nagkalat sa kalye.

“This is shown by the mere fact that shabu is still being sold and so many drug addicts are roaming the streets,” ayon kay Lacson.

SM food to go Banner Ad

Ipinahayag ito ni Lacson kaugnay ng kanyang reaksyon sa gitna na rin ng kontrobersiyal na shootout sa pagitan ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Dapat pagbutihin aniya ng mga awtoridad ang mga polisiyang ginagamit sa operasyon laban sa iligal na droga upang hindi na maulit ang misencounter ng PNP at PDEA.

Ayon kay Lacson, ang isa sa mga sistemang dapat na isagawa sa usapin ng iligal na droga ay dapat na ang PDEA ang magsisilbing “overseer” sa operasyon kung saan nakatutok lamang ito sa intelligence-gathering habang ang pagsalakay at pagtimbog ay ipapaubaya sa mga sinanay na tauhan ng PNP. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.