Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Giyera vs COVID napolitika sa PNP

0 185

Malawak na talaga ang politika sa bansa kahit saang ahensya ng gobyerno ay umiiral.

Katulad na lamang sa Philippine National Police (PNP), aminin man o hindi ng liderato ay may politika nang umiiral sa kanilang hanay.

Imagine ang masigasig na si Deputy Chief for Administration Lt. Gen. Guillermo Eleazar na itinalagang commander ng Joint Task Force COVID Shield simula nang pumutok ang COVID 19 ay pinalitan siya ni Lt. Gen. Cesar Hawthorne Binag na siyang deputy chief for operations ng PNP.

Anong sablay ni Eleazar para palitan ito?

Sa pagkakaalam ko simula nang manligalig ang COVID-19 ay napakaraming programang ipinatupad ni Eleazar para masigurong protektado ang mamamayang Filipino, lalo na sa mga lugar na may malaking kaso ng COVID.

Hindi ba’t wala itong pagod at halos 24/7 nating ramdam ang kanyang presensya. Laman rin ito madalas ng telebisyon, radio at iba pang online platform para regular na magbigay ng update sa mga polisiyang ipinatutupad ng gobyerno para hindi kumalat ang COVID-19.

Anyare at pinalitan siya? Hindi na nga siya pinalad na maluklok bilang PNP dahil mukhang may mas matinding werpa meron ang itinalaga ay pati sa isang posisyon na karapat-dapat naman siya ay babalewalain?

Huwag naman sanang ganun. Hayaan ang mga opisyal na nagtatrabaho nang masigasig at huwag politikahin dahil ikakabagsak ninyo ang ganyang kalakaran!

Anyway mabuti na rin lang at naunang itinalaga si Eleazar dahil sa ilalim ng kanyang pamumuno ay napababa ang kaso ng COVID, kaya ngayon ay napapakinabangan natin ang mga polisiyang dati nilang ipinatupad na pawang naging epektibo.

***

Nagpaliwanag na ang National Irrigation Administration (NIA) at iba pang ahensya sa mga naging problema bago pa tumama ang bagyong Ulysses. Nagmungkahi na din si DILG Secretary Eduardo

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Ano na dapat sa halip na isang ahensya lang ang magdesisyon ay makakabuting National Disaster Risk Reduction and Management Council ang mag-apruba ng pagpapalabas ng tubig.

Kahit ang Malacañang ay naglabas na din ng pahayag ukol sa posibleng pagsampa ng kaso sa mga pamunuan ng Magat Dam.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, mahirap mapatunayan ang liability ng NIA dahil maraming ibang dahilan na nakapag-palala ng pagbaha.

Kaya ang tanong, bakit hindi imbestigahan ng pamunuan ni House Speaker Lord Alan Velasco ang mga illegal logging at illegal mining na tahasan sa maraming lugar na binaha? Anong meron?

Kung seryoso talaga ang grupo ni Velasco sa paghanap ng solusyon, di sila mag-aatubili kahit tamaan ang mas malalaking negosyante o mga matataas ng politiko.

Sa Senado naghain din na kaparehas na resolusyon ang ilang Senador na sina Senador Francis “Kiko” Pangilinan, Senador Risa Hontiveros, Senador Imee Marcos.

Nakakaumay na ang pagkakaroon ng mga imbestigasyon sa Kamara at Senado. Sa mga nakaraang pangkakataon, ang mga imbestigasyon ay nagmimistulang isang circus na pinapagpyestahan ng media at maraming oras lang ang nasasayang. Kadalasan ay puro sisihan lamang at batikusan ang nangyayari pero sa dulo ay wala ding naidudulot na kongkretong bagay para sa ating mga kababayan.

Bukod dito, gaano katagal naman maghihintay ang mga naghihikahos nating kababayan sa Cagayan, Isabela, Rizal Bulakan at iba bang probinsyang nabaha?

Lahat na lang ng bagay ay pinupulitika at hinahanapan ng dahilan para ipakita ang kahinaan ng mga programa ng kasalukuyang administrasyon.

Isa pang isyu na iniintay ng ating mga kababayan na tugunan ni Speaker Velasco ay ang mga sinasabi ni Senator Ping Lacson na lumobo ang infrastructure budget ng mga kongresista nang nagpalit ng lider ang Kamara.

Ibinunyag ni Lacson na sa kanilang pagbusisi sa General Appropriations Bill (GAB), yung mga distrito na pinamumunuan ng mga kongresista na malapit sa kusina ang nadagdagan at ang mga outside the kulambo ay nabawasan.

Ano ang reaksyon dito ng liderato ni Speaker Velasco sa mga isyung ito? Dapat nagpapaliwanag hindi binabalewala dahil seryosong mga usapin ito na kapakanan ng sambayanang Filipino ang nakasalalay.

Leave A Reply

Your email address will not be published.