Abante Tonite Interactive

Giyera vs human trafficking pinaigting ng DFA

By
913

Nangako ang Pilipinas na higit pang pag-iiba­yuhin nito ang mga pagsisikap upang labanan ang trafficking ng mga Filipino sa ibang bansa.

Ito ang pagtitiyak kahapon ni Department of Foreign Affairs (DFA) matapos mapanatili ng Pilipinas ang Tier 1 ranking sa US State Department sa pinakahuli nitong Trafficking in Persons (TIP) report.

Base sa 2018 TIP report, patuloy na nakakatugon ang gobyerno ng Pilipinas sa minimum standards para masawata ang human trafficking.

Sinabi ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, ang 2018 Trafficking in Persons Report na naglagay sa Pilipinas sa Tier 1 sa tatlong sunod na taon ay pagpapakita lamang na ang Duterte administration ay may ginagawa para masawata ang human trafficking sa Pilipinas.

Sinabi ng kalihim na ang report, na inisyu ni US Secretary of State Mike Pompeo sa Washington, D.C., ay nagpapatunay sa pagiging epektibo ng holistic at agresibong diskarte na ginagamit ng Duterte administration upang puksain ang human trafficking sa bansa.

Idinagdag pa na ang affirmation ay nagpapatibay sa paninindigan na protektahan ang mamamayan mula sa trafficking sa pamamagitan ng pag-institutionalize ng mga preventive measure, pagprotekta sa mga vulnerable o mahihinang grupo, at pagpapakulong sa traffickers at kanilang mga kasabwat.