Abante Tonite Interactive

Giyerang Angel , Vice sumisiklab

3,117

Dahil sa birong totoo ni Angel Locsin na “lande,” kung saan ang kanyang pinatutungkulan ay ang sweet moments nina Vice Ganda at Ion Perez.May mga dalahira at katkaterang nanalig na simula na ang wakas sa kung ano mang friendhip meron ang dalawang reyna sa Dos.

Ay! Ang saya nito? Darna versus the baklang Impakta lang ang story arc? O mas bet niyo ang Darna versus the bayot na tikbalang? Ang savage! Hahahaha!

Sa true lang, alam naman nating lambing lang ni Loscin kay Queen Bayot ang kanyang ipinahayag . Hindi rin naman “masakit” kay Jose Marie na ipamukha iyon sa kanya dahil ang panunudyo ni Angel ay in the context of masaya siya sa landian at lambingan ng man to man magkasintahan.

Kaya sa mga katkatera, saan nanggaling ang ilusyon niyong maggi-giyera patani ang mga reyna Locsin at Viceral? Sobrang mataba at mapaglaro ang imahinasyon niyo, huh!

Sa true lang, naglulumandi naman talaga si Vice Ganda kasi nga nasa honeymoon stage sila ni Perez. Walang masama sa kanyang “nagmamahal sa Kapamilya”phase. At lahat naman tayo, lumalandi at nakikipaglandian sa mga iniirog natin.

Ang mga nagbabalat sibuyas sa kaganapang ito, parang hindi kapani-paniwala, huh. Milenyo na. Umarte nga kayo ayon sa inyong ganda. Palibhasa hindi kayo talaga kagandahan. Hahahaha.

Bakit sa sinabi ni the soon to be Mrs. Neil Arce, pangmalakasan ang reaksyon niyo, eh hindi lang naman siya ang nagsabing naglalandi ang Kabogable Star.

May hanash rin kaya ang primera aktres na si Iza Calzado na “Landian Under the Sun!!! Happy Love Day!!!” pero sa hanash ni Maria Izadora, kataka-taka at gusto kong mahibang nga wala kayong bayolenteng reaksyon? Dahil ba sa may qualifier na “happy love day” kaya your leaps are sealed sa comment?

Ano ito? Pinipili niyo lang ang gusto niyong patulan? Fame whoring talaga? Iyan na ba national past time ng mga katkatera at dalahira?
Sa true lang, hindi sapat ang “lande” puna ni Angel Locsin kay Vice Ganda para masira o matibag ang kanilang pinagsamahan at pagiging magkakilala o magkaibigan. Hindi sila kasing babaw niyo, huh!

Ogie-Regine tinawag na malas

Marami talagang mga basher at hater na palaging wala sa hulog, katwiran at hindi tama ang mga sinasabi o sinusulat tungkol sa mga artista.

Isang kapuri-puring halimbawa ang ginawa ni Ogie Alcasid sa isang hater na ang hanash, may “malas” silang dala ni Regine Velasquez-Alcasid kaya sa kanyang pakiwari, ang napipintong pagsasara ng ABSCBN dahil sa franchise situation nito, ang may sala, ang mag-asawang Alcasid.

Ang makabagbag damdaming reaksyon ni Herminio Jose sa hater niya, “God bless you.” O di ba, pagpalain ka ng Diyos pa ang isinulat niya para sa umaaglahi sa kanya kaya ayun, nanahimik na ang isa na namang hindi kumikilos ayos sa kanyang ganda.

Pasalamat siya at Ogie knows better. Kasi kung ibang artista o singer ang sinabihan niya na “malas,” malamang dudurog-durugin ang kanyang abang estado.

Paano mo namang masasabi na malas ang mag-asawa eh ang katatapos lang na konsiyerto ni Regine na kasama si Sarah Geronimo, ang “Unified” eh talagang siksik, liglig at umaapaw ang mga manonood at lahat maligayang umuwi dahil sobrang sulit na sulit ang show?

Patuloy pa ring namamayagpag ang “ASAP Natin ‘To” kung saan mapapanood sina Ogie at ang Ate Chona nating mahal.

Sa true lang, ang basher ni Kuya Ogie ang mas malas sa buhay dahil hindi kainaman ang kanyang mga sinusulat at pinagsasasabi.