Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gladys iniwan ng dyowa

0 92

Naiyak si Gladys Guevarra sa kanyang live sa kanyang Facebook page. Inamin niyang malungkot siya at mabigat ang loob.

Sinabi niyang kakahiwalay lang nila ng kanyang dyowa na nagngangalang Leon.

Inakusahan niyang ayaw na umanong ibigay ang pera na P9,100.00 nang iwan siya.Ayaw nang sumagot umano ng tawag at messages. Ito ay bayad umano sa order ng kanilang kakanin business.

Hindi raw naibalik sa kanya ang payment ng order para sa September 3.

“’Yun nga ang masakit dahil karelasyon ko pa,” lahad pa ni Gladys.

Binalaan rin niya ang mga netizen na ‘wag muna mag-click ng order form button para ‘sa palitaw, kalamay sa latik at puto.Wag daw muna mag-fill up at magpadala ng payment dahil inaayos pa niya.Ang system umano ay diretso sa bank account ng partner niya.

Bukas ang panig ni Leon para sa ikalilinaw ng isyu. (RFC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.