Abante Tonite Interactive

Gladys – Janno tie sa pagkalaos

0 998

Papatulan pa ba natin ang drama ni Gladys Guevarra na kinokontra ang panawagan tungkol sa pesting veerus mass testing? Huwag na! Si Gladys Reyes, sure akong marami pa ang nakakaalala dahil sakdal husay na kontrabida at may career na nararamdaman mo pero ang isang ito, all together now, the WHO? Prangkahan na, deeper pa than the deep blue sea ang pagiging la ocean deep niya, hindi ba naman? Ang League of Extra Ordinary Has Beens na si Diether Ocampo ang president, hindi nga siya matanggap-tanggap noh!

Bakit kaniyo? Meron man bang naging hit song itong si Guevarra na credit talaga sa kanya? Ano ba ang inambag niya sa concert scene na hindi natin malimot-limutan? At maliban sa bata-bataan niyang katauhan, si Chuchay ba iyon, pinahalakhak niya na ba kayo kaya bakit bibigyang importansya ang kanyang kuda? Sa true, mas amusing pa nga yung hindi mapigilang pagngiti ni Harry Roque para kay Joseph Morong kesa sa drama niyang halatang-halatang nagpapa-pansin lamang.

Stop na ito! Pagbabuhin na si Gladys Guevarra sa showbizlandia at baka kung hindi siya titigil sa hanash niya, maungkat pa ang ang huwag mong buhayin ang bangkay na chika tungkol sa diumanong closeness nila ni Janno Gibbs!

Pero sa true, mas bagay na silang lalo ni Gibbs ngayon kasi nga pareho na silang laos. Ang savage! Hahahaha!

Inigo sisikat sa BL drama

Matapos ang kanyang danceable hit song, marami talaga ang takang-taka at gustong mahibang kung bakit itong si Inigo Pascual, hind imaging major, major star.

Marami ba talagang nagtataka o baka naman ako lang? Charot! Hahahaha!

Dahil nga sa Q season, ang dami niyang dance bidyos na di ko sinasadyang mapanood at mahusay siyang gumiling at kumanyod, huh! At may taglay siyang panghalina na talaga namang may elya ring hatid.

Ano nga kaya ang dapat gawin ni Inigo para he truly makes a mark and carve a niche sa showbizlandia? Sayang naman kung paasulpot-sulpot na hits lang ang mangyayari. He needs to do something daring pero kakikiligan pa rin.

Sa inyong palagay, pasok ba ang younger Pascual na magbida sa isang BL (Boys Love) drama? And if he will dare to star in one, sa tingin niyo, sino ang bagay niyang maging kapareha?

Tonite – Wendys Inhouse Ad