Abante Tonite Interactive

Gladys kontra sa mass testing nina Angel, Anne

0 795

NI: ROLDAN CASTRO

Nagsusulong sina Angel Locsin at Anne Curtis ang proyekto para makabili ng testing kit ng COVID-19. Kaisa rin si Atom Araullo sa protesta na sana’y magkaroon ng mass testing ang gobyerno pero iba ang pananaw ni Gladys Guevarra.

Mababasa sa kanyang Facebook Page .

“Andaming artistang umaapila ng MASS TESTING.

“Opinyon ko to ha? Pwede mo ko sagutin kung mali ako. Naisip ko lang naman din.

“ Ano ba kase ang magagawa rin ng Mass testing? Matanong ko lang. eh kahit mag Mass testing, kung wala pa naiimbentong Vaccine, ano gagawin? Isusupot yung mga infected? I mean, diba? Ite-test mo lahat, para ano? Para lang malaman sino na mga infected? hala! Eh yung mga 1st world country nga di maapula yang lintek na virus na yan. Eh ano ga ang gagawin nila???? Diba? Ikaw palagay mo?

“Baka ba pag nalaman natin kung sino mga infected, pwede na lumabas, tapos ihiwalay yung mga pila at nakalagay . . . Pila ng mga Infected at Pila ng hindi infected. Ganire ba?

“At pag nagpa MASS TESTING, maglalabas ulit ng malaking halaga ang gobyerno para sa kits? At maghihintay tayo ng matagal sa results? “Imbes na yang pondo nakakatulong ngayon sa pagkain sa pangkalahatan, lalo mas mga nangangailangan? Diba?

“Gets nyo? Ako di ko gets. Kaya ko i-gets, pero parang d ko ma-gets. Gets?”

May mga sumasang-ayon naman sa opinion niya.

@Neph Eugenio, “ Useless yang mass testing kung magsisilabas din after ng swab test kemerut! NagpaTest ka ngayon.. on your way home or kinabukasan nagmall ka at nakakuha ka ng virus kakagala mo wala rin. Sa result negative ka pero after the actual test mo palang na-acquire ang virus wala din. Waste of time and money lang yan! Disiplina is the key!”

May komontra rin sa kanya.

@Gian MG, “Hehehe. Ayan parang ikaw chuchay. Parang kamatis na sira kapag sinama mo sa fresh yung iba mahahawa at mabubulok. Ganyan ang mass testing 🙂 atleast habang maaga alam mona kung sino ang meron at ma contain. Para di na makahawa. Wala tayong magagawa kung wala pang vaccine. Ang MAS MAHALAGA. Masuri ang meron at maihiwalay sa iba . Parang zombie lang yan . Pag nakagat ka magiging zombie ka na din. At pag naging zombie ka AY pwede ka na din palang mangagat hahahahha. Okay na?”

Tonite – Wendys Inhouse Ad