Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gladys nakakasilaw ang kaputian

0 208

NI: VINIA VIVAR

Napa-wow ang mga netizen sa bikini photos ni Gladys Reyes sa kanyang Instagram page. Nasa Boracay kasi ngayon ang aktres kasama ang asawang si Christopher Roxas. Panay ang aura nila sa beach nang naka-swimsuit.

Kapansin-pansin na hindi pa rin nagbabago ang katawan ni Gladys gayundin ang kanyang flawless skin kahit na nga ba apat na ang kanyang anak.

Kaya naman katakot-takot na likes at papuri ang natanggap ni Gladys mula sa netizens at maging sa kapwa celebrities.

Komento ni Almira Muhlach, “nakakasilaw ang kaputian!!! Enjoy sis.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Reaksyon naman ni Ara San Agustin, “wowowow” with fire emojis pa.

Maging ang dating aktres na si Beverly Vergel na gumanap na ina ni Gladys sa Mara Clara ay napa-comment din. Aniya, “sexy my Baby Girl! 🙌🏻😍🔥❤️ Hot Momma!”

Sey naman ng isa pa, “Ay iba din … mara!!!! Makipag sampalan ka ng ganyan 😂😂😂😂 Super ganda mo po ❤️”
Comment pa ng isa, “Grabe kasexyhan Naman ang puti😍😍😍”

In fairness naman talaga, nakakatuwa naman na napapanatili ni Gladys ang kanyang beauty kaya naman walang time ang mister niya na tumingin-tingin sa iba, di ba naman?

Leave A Reply

Your email address will not be published.