Abante Tonite Interactive

Gladys, pasabog sa ‘Mrs. Reyes’

By
14

NAG-ENJOY nang husto si Gladys Reyes sa ­special ­participation niya sa pelikulang Ang ­Dala­wang Mrs. Reyes ng BFF ­niyang si Judy Ann Santos at Angelica Panganiban.

Ginagampanan dito ni Gladys ang role ng isang best friend ni Judy Ann na maldita at may ibinuking siya rito na isa sa twists ng pelikula.

“Nakakatawa ‘yung mga linya. Ang ­galing talaga magsulat ni ­direk Jun Lana, at masarap siyang ­katrabaho,” pahayag ni Gladys.

Gustung-gusto ­niyang mag-guest sa ­pelikulang ito dahil kay Juday at gusto niyang makatabaho uli si Direk Jun Lana.