Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gladys sinunog ang nagmura sa dyowa

0 862

NI: ARCHIE LIAO

Hindi nakaligtas sa mga basher ang mag-asawang Gladys Reyes at Christopher Roxas dahil sa komento ng huli tungkol sa anunsyo ng ABS-CBN sa pagpapabawas ng kanilang mga tauhan bunsod ng non-renewal ng franchise ng nasabing istasyon.

Sa nasabing anunsyo, nag-react si Carlo Aquino ng “ Nasaan ang konsensya?! Napakaraming Pilipino ang walang wala at mas lalong mawawalan pa. Paano mo maipagmamalaki ang ganitong bagay?”

Nagkomento naman si Christopher nang “Bro, really?”

Hindi nagustuhan ng mga netizen ang subtext ng komento ni Christopher.

Parang lumalabas umano na parang patay malisya lang ang actor sa nangyayari sa mga empleyado ng ABS-CBN.

Ipinagtanggol naman ni Gladys ang kanyang mister.

Gayunpaman, hindi nakaligtas ang mag-asawa sa kaliwa’t kanang banat.

Sey ng isang galit na netizen sana raw ay mangyari rin dito ang mawalan ng trabaho.

Tinawag naman ng isa pang netizen na kampon ni Marcoleta si Christopher at ipinamukhang kung hindi rin dahil sa ABS-CBN ay hindi makikilala ang asawa nitong si Gladys.

Sumagot naman si Gladys sa isang @chedelgado1 at sinabing wala itong karapatang murahin ang kanyang asawa.

Hirit naman ni Christopher kung kaya raw bang panindigan ng basher ang kanyang sinabi kung sakaling magkaharap na sila.

Sina Gladys at Christopher ay nakilala noong bilang love team sa teleseryeng “Mara Clara” na iprinodyus ng ABS-CBN. (Archie Liao)

Leave A Reply

Your email address will not be published.