Abante Tonite Interactive

Gladys vs Camille, KontraDiva battle

113

KABUGAN ng dala­wang Kapuso kontrabidas ang magaganap ngayong gabi sa Lip Sync Battle ­Philippines.

Magpi-faceoff sina Gladys Reyes at Camille Prats, na ­magkapareho ng genre ang piniling kanta ng sa Round 1 ng labanan.

Biritan na may kasamang dramahan ang unang­ salpukan.

Isang hit song ng isang Pinoy diva ang pangabog ni Gladys habang isang iconic hit ng isang Hollywood diva ang pantapat dito ni Camille.

Sa Round 2 ay magtatarayan at magpapasik­laban ang dalawa bilang Cyndi Lauper at Iggy Azalea.

Sino ang mananaig? Sino ang maaapi? At sino ang tatanghaling Kontra­Diva?

Tutukan ang maigting na tunggalian sa Lip Sync Battle Philippines mamayang gabi sa GMA pagka­tapos ng Magpa­kailanman.