Abante Tonite Interactive

Glaiza hinubog ng kahirapan

By
194

Sa true lang, panalong kausap ang mahusay at magandang aktres na si Glaiza de Castro. Sinsero, walang halong kiyeme at game na game. Nakatsikahan siya sa TAMBAYAN NG TSIKA, online show ng Abante Tonite. Kasama ng inyong lingkod ang Entertainment Editor ng Tonite na si Roldan Castro at ang katotong Nonie Nicasio.

Hindi na tuloy nakakapagtaka kung bakit ang Contessa ay talaga namang sinusubaybayan tuwing hapon. Last two weeks na nito sa ere.
Heto na ang ilang tanong at chikahan namin sa magaling,
at talaga namang magaling na artista.

Naiyak sa CCP

Panalo ang pagtanggap at pagmamahal para sa pelikula niya sa Cinemalaya, ang Liway. Ano ang pakiramdam niya na sa tuwing matatapos ang pagpapalabas rito, parang may rally na nangyayari sa venue?
“Overwhelming. Akala ko sa isang venue lang nangyari ang ganu’n ‘yun pala it happened in all the venues, Nu’ng na-experience ko siya sa CCP, naiiyak ako. Hindi ko alam na ganu’n ang mangyayari. Ang effect sa akin, ‘yung impact ‘pag nagsama-sama para ibahagi ‘yung ipinaglalaban nila, ibang klase. Hindi pa rin nawawala ang oppression, andito pa rin, may mga tao pa rin talagang naapi.
Siya ang ini-expect na mag-uuwi ng Balanghai trophy pero sa iba binigay, ano ang reaskyon niya dito?
“Nu’ng dine-describe na, alam ko na iba nga ang pinili. Ang jurors, nireres­peto ko ang choices nila. Sa akin naman, salamat na ‘yung pagiging­ Liway ko, mara­ming naka-appreciate, maraming nagro-root na para sa akin. Doon pa lang, masaya na ako. Icing on the cake na kung ako pa ang naging best actress. Hindi ko makakalimutan na nakatuntong ako sa CCP at nakakanta ako. I think na-represent ko naman ang pelikula naming maigi. We were able to share our message. Hindi ako na-disappoint at all.

Romansa ni Glaiza

‘Ang love kusa na lang siyang darating sa tamang panahon’
Dahil nga pulos work si Glaiza, kinamusta naman ang romansa sa kanyang buhay? Meron na ba siyang muntik na minahal?
“Wala pang dumating, hopeful na may isang tao na makakatagpo, ito ‘yung totoong love. Isa lang ‘yung guy na muntik na, pero hindi pa rin pala siya. Ang gusto ko kasi ‘yung ugaling malapit sa tatay at kapatid ko, ‘yung thoughtful. Ako kasi, hindi ako masalita, hindi ako confrontational, may mga bagay na dapat alam mo na gawin, hindi ko na dapat idikta. Pinagpi-pray ko naman. Ang love kusa na lang siyang darating sa tamang panahon.”
Para sa buong kuwento at bidyo ni Glaiza de Castro, paki­bisita ang Abante Tonite Facebook Page, Abante Tonite Youtube channel at sa website ng tnt.abante.com.ph

Nanay nagsanla ng alahas

Kamusta naman ang kanyang struggling years?
“Naku, struggle talaga. Hahaha! Dati, may may mga tabloidista na may pa-write up, magbibigay pera nanay ko wala pa naman akong regular na trabaho, kaya ang nanay ko sinasanla ang alahas nila, tapos ‘pag ipinakita sa amin ang write up, kakapiranggot, ayan na ‘yun? Hahaha! Parang hindi siya legit. Marami kaming na-encounter na ganu’n. May iba pa nga, dadalhin kami sa network, dinala nga kami, ayun nasa labas lang kami, hindi kami nakapasok. Wala namang mangyayari.”
Sa Asian Treasures nagsimu­lang magbago ang karera ni Glaiza, hanggang sa nangyari ang Stairway to Heaven, Grazilda at nagkasunod-sunod na.
Sa mga pagbabago, ano ang hindi niya makakalimutan?
Nakangiti niyang sagot at pag-alala, “Sa Grazilda, may sarili na akong tent, may name tag na, nakakaartista na talaga! Hahaha. Sobra ang pasasalamat ko sa Grazilda. ‘Yung mga pangarap ko sa pamilya ko natupad. Nagkasasakyan kaming maayos, nagkabahay. Dati nga pag may pahinga ako from my seven day taping sa Grazila, nauupo ako sa attic namin. Ninamnam ko ang lahat ng mga pangyayari.
Ang Contessa na kanyang soap ay patapos na, ano ba ang saloobin niya tungkol rito, ano ang mga kaabang-abang?
“Mas challenging siya. Mas mahirap ito kesa sa iba. Iba ang requirements para sa isang pang-hapong serye kasi papunta na siya sa pa-campy. Ang question ko lagi sa sarili ko how do I give her the truth she needs eh over the top na siya. Minsan pa, mula umaga hanggang gabi umiiyak ka, at mabibigat talaga ang scenes. Gagawin mo pa rin siyempre. Sa huling dalawang linggo, literal ang mga pasabog, may granadahan! Hahahaha! Maraming mawawala! Nu’ng, nu’ng binabasa ko ‘yung script, I was at the edge of my seat kasi nga ang bigat masyado. Maghanda na ang mga Imperial!