Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Glaiza ‘humarot’ sa French actor

0 100

NI: ARCHIE LIAO

Hindi lang K Pop fan ang Kapuso actress na si Glaiza de Castro.

Faney na rin siya ngayon ng French actor na si Lucas Bravo na tampok sa Netflix movie na “Emily in Paris”. Sa kanyang Instagram, marami ang nainggit sa kanya nang magbahagi siya ng kanilang short conversation ng guwapong French actor.

Actually, nag-direct message si Glaiza kay Lucas.

Sey ni Glaiza: “You’re so good in Emily in Paris!”

Nag-reply naman si Lucas with a heart emoji and nagpasalamat kay Glaiza.

Sagot ni Lucas: “Thank you so much. You are so kind. Sending you love.”

Hindi naman napigilan ng aktres ang kiligin sa sagot sa kanya ng nasabing actor kaya napa “OMG” siya.

Marami ring girlalu ang nainggit kay Glaiza dahil nakuha nito ang atensyon ng French hearththrob. Tila ‘hinarot’ umano niya ang aktor.

Si Lucas ang leading man at love interest ni Lily Collins sa “Emily in Paris” na patuloy na pinag-uusapan sa Netflix.
Bukod sa pagiging magaling na actor, isa ring modelo at chef si Lucas na nakilala sa French TV series na “Plus Belle La Vie”, “T.O.C.” at sa pelikulang “Smart Ass.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.