Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Glaiza iniwan ng boyfriend

0 1,213

NI: ARCHIE LIAO

Sa guesting ni Glaiza de Castro sa isang episode ng Mars Pa more, nabanggit ng aktres na iniwan na siya ng boyfriend niyang si David Rainey.

Pero, hindi raw ibig sabihin noon na naghiwalay na sila ng Irish boyfriend.

Kailangan lang daw itong bumalik sa kanyang bansa para makita ang kanyang pamilya.

Masaya naman siya na nabigyan na ito ng clearance na mag-travel pabalik sa Ireland.

For sure daw, babalik ang kanyang dyowa para ituloy ang coffee shop business nito sa Baler.

Kahit apektado rin ng pandemya, umaasa naman ang Kapuso actress na babalik ang dating sigla ng turismo sa Baler Naroon ang kanyang negosyo na bed and breakfast inn na Casa Galura.

Aniya, wise decision daw ang pananatili nila sa nasabing surfing capital sa Aurora sa panahon ng lockdown.

Doon daw niya, na-realize na marami pang magagandang lugar na puwede pang i-explore sa nabanggit na tourist destination.

Naging opportunity din daw ito para ma-enjoy niya ang provincial vibe ng naturang lalawigan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.