Abante Tonite Interactive

Glaiza lilipat sa Dos?

0 2,143

Kamakailan lang ay naging usap-usapan ang biglaang pag-alis ni Glaiza de Castro sa GMA-7. May mga nagtanong pa nga kung saan siya pupunta? Bakit daw biglaan ang pag-alis pagkatapos ng show niyang ‘Contessa’?

Ayon sa aktres, aalis siya dahil mag-aaral sa UK. Pero may nang-iintriga at espekulasyon na lilipat na siya sa Dos pagbalik niya.

Nagpalitan pa nga sila ng komento ng dating Kapuso actress na si Ryza Cenon na ngayon ay Kapamilya na.

Komento ni Glaiza sa post ni Ryza sa kanyang Instagram account. “Kitakits jan.”

“Bwahahahaha!!! Sasalubungin kita,” pagtugon ni Ryza.

Hinala ng mga fan na baka tuluyan na ngang lilipat si Glaiza kagaya ni Ryza.