Abante Tonite Interactive

Glaiza magaling na aktres at hindi nananapaw — Kylie

106

ANG cute ng pinost na pic ni Glaiza de Castro sa Instagram na nagse-selfie ang mga Sang’gre sa set ng Encantadia.

Hawak ni Gabbi Garcia (Alena) ang celfone at katabi nito sina Kylie Padilla (Amihan) at Sanya Lopez (Danaya) habang nagpipichuran sila nang nakaupo sa sahig, samantalang si Glaiza (Pirena) ay medyo malayo sa kanila at patayong nakasandal pero nakatingin din sa kamera.

Aliw ang caption dito ni Glaiza na, “‘Yung nagse-selfie ‘yung mga kapatid mo, tapos ‘di ka nakasama… Gawa na lang ng sariling aura!”

May kasunod itong mensahe para sa IG followers niya na mag-sel­fie rin habang nanonood ng Encantadia at i-tag sila gamit ang hashtag na #Encantadia at #IAmACertifiedEncantadik.

Ang ganda ng samahan ng apat na Kapuso stars na gumaganap na magkakapatid na Sang’gre.

Naging close na sila sa madalas nilang pagba-bonding sa taping at mall tour.
Si Glaiza ang pinaka-ATE ng Sang’gre Squad at siya rin ang kabogera pagdating sa aktingan kaya kailangang makasabay ng tatlong younger sisters niya para hindi sila lamunin ni Pirena.

Ang sabi sa amin ni Kylie, magaling talagang aktres si Glaiza, pero hindi ito nanlalamon o nananapaw.

Mas napi-feed daw kay Kylie ‘yung performance ni Glaiza kaya nakakatulong ito sa kanya sa mga eksena nila. Pero siyempre, may kaba pa rin dahil ang galing ni Glaiza.

Apat na Sang’gre
Apat na Sang’gre

Sina Pirena at Amihan ang maraming tunggalian at banggaan sa magkakapatid, kaya kailangang lumevel-up ni Kylie sa aktingan.

Consistent ang pagti-trending gabi-gabi ng Encantadia at nakakatuwa ang Twitter party ng Encantadiks dahil lumalabas ang Pinoy humor at creativity ng mga ito.

Ayaw nila kay Hagorn, pero ha­nga sila sa galing ng gumaganap dito na si John Arcilla.

Irita sila kay Gurna, pero apektado sila sa mga ginagawa ng karakter ni Vaness del Moral.

Benta ‘yung PAK HAGORN!­ at ‘yung “I’m so HAGORN (Haggard)! Pashnea!”
Ngayong gabi na ang inaabangang pagdadalaga ng apat na Sang’gre.

Mas magiging kapana-pa­nabik ang mga eksena dahil kailangan nang mamili ni Ynang Reyna Mine-a (Marian Rivera) ng hahalili sa kanya bilang Reyna ng Lireo.

Napapanood ang Encantadia gabi-gabi sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.