Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Glaiza tinawag na malandi

0 661

NI: ARCHIE LIAO

Hindi nakaligtas sa pamba-bash ang Kapuso actress na si Glaiza de Castro kaugnay ng post kung saan kasama niya ang kanyang Irish boyfriend na si David Rainey.

Inakusahan siya ng isang basher na malandi.

Sey pa ng isang nagpakilalang @floral pink, isang demonyo umano ang boyfriend nito na malamang na buntisin lang ang aktres.

Tinawag din niya itong “virus.”

Sey naman ng ilang kibitzers, baka raw nagli-live in na rin si Glaiza at ang kanyang boyfie lalo pa’t nakatira sa vacation house nila sa Quezon ang dayuhan.

Related Posts

Pati si Angelica Panganiban ay nadawit pa sa pango-okray nila. Nagmana raw ito sa kaibigan na ilang beses na ring na-bash tungkol sa kanyang lovelife.

Sa kabila naman ng mga batikos, hindi naman nawalan ng composure si Glaiza at nagawang magpakahinahon.

Pinili na lang ni Glaiza na dedmahin ang mga banat ng basher.

Cool na lang nitong sinagot ang mga paratang.

Aniya: “Alam nyo gaiz, marami na tayong nababasa sa Twitter na nakakaapekto sa emosyon natin, mas makatutulong sa atin at sa lahat ng nakababasa ng tweet natin na huwag magreply sa mga masasakit na salita. Kahit na minsan, nakakainis na talaga.”

Marami namang pinahanga ang aktres sa kanyang naging diskarte ng pag-approach sa mga basher niya na talagang gusto siyang inisin.

Leave A Reply

Your email address will not be published.