Abante Tonite Interactive

Glaiza type maging first lady

By
1,100

Inamin ng Kapuso actress na si Glaiza de Castro na may nag-alok sa kanya para sumabak sa politika. Pero mas matimbang daw sa kanya ang pagiging alagad ng si­ning. Although tila may pahiwatig ang aktres na hindi siya nagsasalita nang tapos.

Inusisa namin ito kay Glaiza kahapon, August 28 sa isa na namang exciting na edition ng ‘Tambayan ng Tsika’ online show ng Abante Tonite kasama sina katotong Roldan Castro at Alwin Ignacio.
Esplika ni Glaiza, “Dati kasi, nakikipag-collaborate kami sa munisipyo ng Valenzuela or mga summer workshops, ganyan. Tapos parang, siguro naisip nila na magandang idea na tumakbo ako bilang konsehala, ganyan.

“Tapos parang sabi ko, ‘Hindi ako ano talaga sa politics.’ Kumbaga, parang hindi ko siya interes… sa ngayon,” bitin na saad ni Glaiza.

Sa ngayon!? Sabay-sabay na tanong namin kay Glaiza. So, may posibilidad na pumasok pa rin siya sa politika?

“Hindi, wala talaga,” nakatawang tugon pa ng aktres.

Ano ang ayaw niya sa politika?

“Well, hindi lang talaga ako lumaki na may interes. Hindi naman sa ayaw, interesting din naman siya. Pero siguro, lumaki lang ako na iyong puso ko ay nasa performing arts, sa pag-aartista, sa pagkanta.”

So, mas mahal niya ang showbiz?

“Mas mahal ko ang showbiz, na parang feeling ko kung magpa-politics ako, baka mapabayaan ko lang ‘yung mga responsibilities ko…”

Paano kung ligawan siya ng politician o maging dyowa ng politician? “Susuportahan ko lang siya,” nakangiting reaction pa niya.

Pang -First Lady pala ang peg niya?

“Puwede rin naman, kung talagang iyon ang nakalaan sa akin, why not?” nakangiting pakli pa ng bida sa TV series na ‘Contessa’.