Abante Tonite Interactive

GLAIZA vs THEA, AGAWAN kay GIL

By
Thea Tolentino
15

IBINUKING namin kay Gil Cuerva na crush siya ng Kapuso stars na sina Glaiza de Castro at Thea Tolentino.

Si Glaiza ay mahilig sa Korean actors, samantalang si Thea ay mahilig sa Japanese.

So, pasok na pasok sa panlasa ng dalawa ang Asian look ni Gil.

“Sinabi nila ‘yon? Siyempre, kung crush ka ng girls, thank you! Ha! Ha! Ha!” naniningkit ang mga matang tawa ng bagong Kapuso heartthrob.

Si Glaiza ay unang na-meet ni Gil sa taping ng GMA Christmas special last year, na tinukso-tukso pa ito sa kanya nina Kylie Padilla (dahil type ni Glaiza si Gil).

Si Thea ay kilala ni Gil dahil minsan na niya itong naka-acting workshop dati.

Malamang bet siya ni Thea dahil singkit siya.

“Mas mukha kasi akong Japanese kesa Spanish. He! He! He!” smile ni Gil.

Naaliw kami kay Thea dahil nag-DM ito sa amin sa Instagram at tinatanong kung anong reaksyon ni Gil sa pambubuking namin.

Parang nahihiya tuloy ang Haplos girl na si Thea dahil ibinuking namin kay Gil na crush niya ito.

Nang si Gil ang matanong tungkol sa kanyang bet na girls, ang binanggit niyang tatlong names ay puro may asawa na.

Ang 3 choices niyang Kapuso stars ay sina Heart Evangelista, Marian Rivera, at Solenn Heussaff.

Sey ni Gil, ang tatlo kasi ang mga crush niya sa showbiz, kaya ang mga ito rin ang gusto niyang makatrabaho sa GMA in the future.

Aniya, si Jennylyn Mercado ay given na dahil kapareha na niya ito sa My Love From The Star.

Malapit nang matapos ang MLFTS, pero hindi pa iniisip ni Gil kung sinong gusto niyang next na maging leading lady after Jen.

Depende raw ‘yon sa GMA at sa kanyang management. Mas gusto niya ng marami pang workshop para mas mahasa pa ang akting niya.

Happy ang 21-anyos na binata sa very positive na feedback sa kanya as Matteo Domingo sa MLFTS.

Panay papuri ang nakukuha niya sa social media, na ang sabi ng netizens, bukod sa guwapo si Gil ay okey itong umarte. Kaya bagay na bagay rito ang role ni Matteo.

Kakapasok lang ni Gil sa showbiz, pero kasama na siya agad sa list ng 100 Most Beautiful Stars ng YES! magazine this year.

Sabi ng ma-PR na binata, mala­king honor ‘yon sa kanya dahil nga­yon lang siya napasama sa ganu’ng listahan.

“Sometimes you’re just blessed,” ang nakangiting sambit ng Chinito hottie na si Gil, na in fairness ay matandain sa mga nakakatsika niyang press.