Abante Tonite Interactive

Glamorosong event naging baduy sa mahaderang celebrity

0 387

Iritada ang staff ng isang glamorosang event na ginanap kamakailan sa isang veteran female celebrity (VFC).

Nagmahadera raw kasi si VFC at ayaw nitong sumunod sa script.

Sa halip na sundin ni VFC ang nakasulat sa script ay gumawa raw ito ng sarili niyang linya at halatang gusto nitong mang-agaw ng eksena.

Imbiyerna ang staff ng glamorosang event dahil puro taray daw sa kanila si VFC at grabe ito kung mag-feeling sa nasabing event.

Gusto raw sana nila itong bigyan ng kaukulang respeto bilang betera- na na ito sa larangan nito, kaya lang ay paano mo naman daw ito igagalang sa pag-uugali nito?

Ang ikinakainis pa ng staff ay apektado raw ang trabaho nila dahil sa pag-a-attitude na ‘yon ni VFC. Bumaduy daw tuloy ‘yung moment ni VFC dahil na rin sa kagagawan nito.

Mabuti raw sana kung ikinaganda at ikina-class ng event ‘yung ginawang pagmamahadera ni VFC, eh kaso ay hindi naman.

Gasgas na raw kasi ang antics nito at pinaglumaan na ng panahon ang mga kadramahang napag-iisip nito. Ibig sabihin ay wala sa hulog at hindi na uso, pero proud pa rito si VFC.

Tapos, nandamay pa raw ito ng iba. Pati pala kasi ‘yung katabi niya sa nasabing event ay inimpluwensiyahan din ni VFC kaya hindi rin ito sumunod sa script.

Kalerky! Nagmahadera na nga nang wala sa lugar ay nandamay pa ng iba.

Kaya ‘yung pobreng staff ay lihim na nagngi-ngitngit sa intrimitidang si VFC. Kung pupuwede lang ay huwag na raw sana nila itong makatrabaho ulit dahil nakakaubos ito ng pasensiya.

Marami naman daw iba diyan na puwedeng ipalit sa puwesto ni VFC, kesa ito ang kunin tapos ay babastusin lang nito at pasasakitin ang ulo ng staff na humahawak ng event.
PAK!!
***

Manoy type
‘magpalabas’ si Jose

Nakatrabaho pala ni Jose Manalo si Tito Eddie Garcia sa isang episode ng “Magpakailanman.” Tatay-tatayan daw niya ito na bulag at siya ang nag-aalaga.

Sa unang eksena nila ay hindi raw nakapagsalita si Jose at na-intimidate talaga siya sa veteran actor.

Sabi raw nito sa kanya, “Noy, ilabas mo, Noy…”

Nilabas niya naman?

“Oo, nilabas ko. Sabi niya sa akin, ‘Hindi ‘yan, Noy!’ Ha! Ha! Ha!” patawa ng pilyong si Jose.

Magaling daw sumuporta si Tito Eddie at alam kung kailan ka nawawala sa eksena, so sisingitan ka nito para i-lead ka sa tama.

Napakagaling daw nitong artista at mahilig ding mang-goodtime ng continuity. Mapaglaro raw ito sa set.

Nang malaman ni Jose ang nangyari kay Tito Eddie sa taping nito sa Tondo ay naisip niya agad ‘yung init doon.

Natakot daw siya at sana nga raw ay walang masamang nangyari. Pa-tuloy pa rin daw magdasal dahil kailangan pa ng industriya ang isang Eddie Garcia.

Ani Jose, hindi niya naiisip na aabot siya ng gaya ni Tito Eddie na 90-anyos na ay sobrang aktibo pa rin sa showbiz. Kung mami-maintain niya raw ang career niya, baka mga hanggang 30 years pa raw siya sa showbiz. 53-anyos ngayon si Jose.