Abante Tonite Interactive

Glenda bagong partner ni Korina

1,558

Ang Go Negosyo Women 2020 Entrepreneurship Summit na ginanap sa World Trade Center ay dinaluhan ng higit kumulang na 9,000 participants. Ang highlight ng summit ay ang kontribusyon ng mga kababaihan sa ating bansang Pilipinas at sa ASEAN na may lessons sa entrepreneurship, agriculture, style and substance, tourism, diplomacy, finding confidence at sa personal na buhay.

Si Ms. Glenda Dela Cruz Victorio ay isang 22-year-old-mother-of-two, young CEO ng Brilliant Skin Essentials, Inc. na pumasok sa cosmetics and skincare business noong year 2016 . Ngayon ay napili bilang isa sa mga Women of Style and Substance sa pinakamalaki at most inclusive women event ngayong taong 2020, with over 50 women leaders from the Philippines and Asean na naging resource speaker para mag-share ng kanilang thoughts, insights, at inspiring journeys.

Kasama sa stage si Ms. Bianca Gonzales na nag-share ng kanyang experiences from their humble beginnings and journeys in entrepreneurship, si Ms. Glenda Victorio ay nag-share rin ng kanyang experiences as a young entrepreneur leaving these remarkable notes: “Kailangan may goal ka sa buhay, parang si Google or si Waze. Pag nag-google or nag-waze ka, alam mo kung saan ka pupunta, kahit maligaw ka, kahit na traffic or kahit sobrang tagal bago ka makarating sa pupuntahan mo at least, may pupuntahan ka ‘di ba?”

Only 3 years pagkatapos ng successful launch ng kanyang skin care business, nakapagtayo agad siya ng kanyang skincare community with 46 authorized franchisees and 705 authorized distributors, locally and internationally. Meron din siyang Distributions hindi lang sa Philippines kundi sa iba’t ibang bansa rin na may OFWs.
Sa ngayon, si Madam Glenda ay CCIP Vice President for Committee of Ways and Means at ponarangalan pa ng award sa United States of America as the 2018 Youngest CEO in the Field of Cosmetics and Skincare, at 2019 Most Outstanding and Influential Online Entrepreneur in the Field of Cosmetics and Skincare.
Lahat ng ito ay kanyang nakamit dahil sa kanyang positive vibes.
“Always act alone with your will,” sabi pa niya.

Related Posts

At a tender age of 12, alam na ni Madam Glenda na magagawa lang niya ang lahat if she is focused. At hanggang ngayon, she inspires over 9,000 audiences with her words, “Dapat lagi kang naka-focus, focus lang, HUWAG tayong paiba-iba ng gusto or decision sa buhay, and always remember that LIFE IS NOT A RACE.” ‘Yan ang sabi niya during the panel session.

“Kapag curious po talaga ako, I always research, I’m always willing to learn and yung tinatanong ni Ma’am, kung mayroon ba akong mentoe? Actually, sobrang swerte ko, kasi lahat po ng nakilala ko, talagang nagmamalasakit po sa akin.”

Sa kanyang final words, nakuha niya ang puso, hindi lang ng kanyang audience kundi pati na rin ng kanyang mga co-panels on-stage. With no doubt, her curiosity made her succeed.

Sa ngayon, she also owns a Spa Center and Coffee Shop known as Brilliant Cafe, Aesthetics, and Spa.
Sa murang edad, marami na siyang taong nakakasalamuha at nakakausap, no matter what status or disposition in their life.
Nagsimula rin siyang maki-partner kay Ms. Korina Sanchez-Roxas months after her story-line was featured sa Rated K. Recently, nakapagsara siya ng contract with Ever Bilena and the making of her cosmetic line called Brilliant Colours. Ang extension ng kanyang skincare products ay isang Ever Bilena Collaboration named SkinFit. (JS)

Tonite – Wendys Inhouse Ad