Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Glenda type maging yaya ni Gabby

0 338

NI: ROLDAN CASTRO

Tinanong namin si Glenda Garcia kung kumusta ang working relationship niya kina Gabby Concepcion at Sanya Lopez sa bagong serye ng GMA 7 na ‘First Yaya’?

“Si Gabby naman dati ko na siyang nakatrabaho sa mga anthologies,no? Pero sa serye first time ko to work with him. Pero kay Sanya, first time ko rin makatrabaho at nakakatuwa dahil sobra ‘yung closeness na nabuo sa amin sa buong cast.

“Alam naman natin na very professional si Gabby, ganoon din naman si Sanya.Talagang pagdating sa set alam mo na reading-ready sila.Alam nila ‘yung mga linya, ‘yung character nila. Nakakatuwa si Sanya dahil magaling siya at mahal niya ang trabaho niya,” lahad pa aktres.

Kung magiging yaya siya ng artista, kanino at bakit?

“Siguro kay Gabby,” pakli ni Glenda sabay tawa.

“ Unang-una ang guwapo niya.Hanggang ngayon napaka-guwapo tapos napakabait pa at napaka-alaga pa niya.So, alam mo na ‘pag ikaw ang naging yaya niya parang hindi ka niya ituturing na yaya. Parang ituturing ka niya na kapamilya ka niya dahil napakaganda ng puso ni Gabby,” saad pa ng aktres.

Ilang tulog na lang at mapapanood na ang seryeng ‘First Yaya’. Gaganap si Glenda bilang si Marni Tupaz, isang intrigerang reporter na may secret affair kay Luis Prado (Gardo Versoza). Kasabwat siya para pabagsakin ang Pangulo.

Sino ang peg niya na maging palaban na reporter?

“Graduate po ako ng Mass Comunication major in Broadcasting so, kahit po artista na ako dati ay nag-OJT po ako sa news.

“Nag-usap kami ni direk LA (Madridejos) kung ano ba ang tingin sa character ko tapos sabi ko, direk parang pini-peg ko rin dito ‘yung matapang si Karen Davila. So, nag-agree naman sa akin si direk na oo nga puwede si Karen pero ‘yung pagiging scheming ang peg hindi naman ganoon si Karen. So, medyo iba naman ‘yung atake na ginawa ko,”: sambit pa ni Glenda.

Sa March 15 na magsisimula ang First Yaya sa primetime slot ng GMA 7. Kasama rin sa cast sina Pancho Magno, Pilar Pilapil, Sandy Andolong, Cai Cortez, Kakai Bautista, Thia Thomalia, Maxine Medina, Boboy Garovillo ,Thou Reyes, JD Domagoso, Cassy Legaspi, Clarence Delgado,Anjo Damiles,Patricia Goma,Analyn Barro, Jeric Dolormente at Kiel Rodriguez.

Leave A Reply

Your email address will not be published.