Abante Tonite Interactive

Globe customers nag-donate ng rewards points sa ‘Ompong’ victims

235

Sa pagbubukas ng Rewards services nito upang tumanggap ng donasyon para sa mga biktima ng bagyong Ompong simula noong Setyembre 16, ang mga Globe customer ay nag-donate ng kabuuang P1.1 million ng kanilang hindi nagamit na Rewards points.

Tinapatan naman ng Globe Telecom ang donasyon ng mga customer nito ng 100% sa pagkakaloob ng kaparehong halaga na P1.1 million para sa mga biktima ng bagyo.

“We thank our 17,500 customers who shared their Rewards points to benefit the victims of Typhoon Ompong. Together these small acts of kindness will help bring greater joy and hope for our fellow Filipinos in need,” wika ni Ernest Cu, President and CEO ng Globe Telecom.

Ang mga donasyon ay ipinagkaloob sa Rise Against Hunger PH (RAHPH), ang local affiliate ng Rise Against Hunger, isang international relief agency na nagtataguyod sa buong mundo na wakasan ang kagutuman sa nakalipas na 20 taon. Ang RAHPH ay nagbibigay ng high nutrition meals na inihanda at ibinalot ng mga volunteer.

Ang mga Globe employee ay nagbalot ng mahigit 22,000 meals na kinabibilangan ng bigas, soy, dehydrated vegetables at fruits, flavoring mix, plus vitamin at mine­ral sachets, na ipinagkaloob sa may 1,500 pamilya na tatagal sa loob ng 14 araw. Matapos ang bagyo, ang Globe ay naglagay rin ng Libreng Tawag at Charging Stations sa mga apektadong lugar upang maserbisyuhan ang mga nangangailangan ng tulong at magkaroon ng komunikasyon sa kanilang mga minamahal sa buhay.

Ang tagumpay ng Globe Rewards donation drive ay nagpapa­kita na kahit ang maliit na halaga ay malayo ang mararating upang mabago ang buhay. Ang pagpapadala ng relief ay madali lamang sa pamamagitan ng pag-click at pag-swipe.