Abante Tonite Interactive

Globe internet abot na sa Europa

444

Pinalawig pa ng Globe Telecom ang maaabot ng internet nito sa Europa sa pagkonekta sa network nito sa Deutscher Commercial Internet Exchange (DE-CIX), ang pinakamalaking internet exchange point (IXP) sa mundo.

Ito ay bahagi ng pagsisikap ng kompanya na mapagbuti ang kalidad ng internet experience ng mga customer.

Ang kompanya ay nakipagsanib kamakailan sa DE-CIX sa Germany. Ang DE-CIX ay isang carrier at data center-neutral IXP operator na matatagpuan sa Frankfurt, na may peak traffic na mahigit sa 6.4 Terabits per second, na nag-i-interconnect sa mahi­git 800 member network mula sa buong mundo.

“This initiative will further complement existing infrastructure and enable users direct access to European content. At the same time, it functions as alternate internet gateways to the Philippines from that region as the internet is two-way,” pahayag ni Gil Genio, Chief Technology and Information Officer ng Globe.

“We are pleased to welcome Globe Telecom within our broad range of customers. With the DE-CIX services, Globe Telecom will be able to enhance its customers’ internet user experience and connect to all major international content providers available at DE-CIX Frankfurt,” wika ni Theresa Bobos, Director for DE-CIX Southern Europe.