Abante Tonite Interactive

Globe namigay 1,000 cellphone sa mga frontliner

736

Namigay ang Globe Telecoms ng mga Ayala ng mahigit 1,000 cellphone sa mga pulis, militar at ilang mga ospital sa buong bansa para mas mabilis silang makakapag-ugnayan ngayong panahon ng krisis na dala ng COVID-19.

Sa isang pahayag, sinabi ng Globe naka-unli call at text ang mga cellphone sa lahat ng network sa loob ng 30 araw. Ito ay para makakausap nila ang kanilang mga kasamahan sa trabaho at mga kamag-anak habang nagtratrabaho sila sa frontline.

“We understand the hardships that our frontliners are facing and we are thankful for their heroic deeds,” sabi ni Globe SVP for corporate communications Yoly Crisanto.

Ang mga ospital na pinadalhan ng Globe ng mga cellphone na naka unli call and text ng 30 araw ay: Baguio General Hospital, San Lorenzo Ruiz General Hospital, National Center for Mental Health, Jose R. Reyes Memorial Medical Center, San Lazaro Hospital, Tondo Medical Center, Amang Rodriguez Memorial Medical Center, Valenzuela Medical Center, Dr. Jose Fabella Memorial Hospital, National Kidney Transplant Institute, Manila Naval Hospital, Veterans Hospital, Northern Mindanao Medical Center, Ospital ng Maynila, Pasig City General Hospital, Rosario Macalang Bautista General Hospital, Southern Philippines Medical Center, Caloocan City Medical Center, Manila East Medical Center, San Juan Medical Center, Philippine Heart Center, Lung Center of the Philippines, Ospital ng Makati, Philippine General Hospital, Jose N. Rodriguez Memorial Hospital, at Research Institute of Tropical Medicine.

Ang iba pang nakatanggap ng cellphone ay ang Armed Forces of the Philippines, Philippine Navy, Philippine National Police at ang Ranao Rescue Team.

Nauna nang binigyan ng Globe ng libreng internet connection ang ilang mga ospital at mga supermarket.

Tonite – Wendys Inhouse Ad